Netizen, mas sosyal na version ng mga de-lata at kape sa gitna ng enhanced community quarantine!



Maraming mga pamilyang Pilipino sa ngayon ang nakukuntento muna sa mga ready-to-eat at easy-to-prepare na mga pagkain. Ito ay dahil na rin sa pagpapanukala ng enhanced community quarantine (ECQ) sa maraming mga siyudad sa bansa dahil na rin sa mabilis na pagkalat ng nakakatakot na sakit na COVID-19.

Marami sa atin ang bumili at nag-stock na muna ng mga de-lata, instant noodles, at instant coffee. Tunay nga na sa mga panahong ito ay malaking bagay ang pagkakaroon ng mga stock na mga pagkain.

Ngunit siyempre, hindi rin naman natin maiaalis sa maraming mga Pilipino ang ma-miss ang kanilang mga paboritong pagkain at inumin mula sa mga kilalang restaurant o establisyemento. Kung kaya naman naisipan ng isang netizen na ito na gumawa ng paraan upang kahit papano ay makain ang mga pagkaing namimiss niya.



Ang naturang netizen ay si Siegfred Panesa, ibinahagi niya sa kaniyang social media account ang ilang mga stock nila sa kanilang bahay na binalutan niya ng mga logo ng mga paborito niyang fast food restaurants at isang mamahaling brand ng kape.

Ilan sa mga ginawa niyang printed logos ay ang mga sikat na kainan sa Pilipinas tulad na lamang ng Mang Inasal, Jollibee, Max’s, Chowking, KFC, at McDonald’s. Maging ang instant coffee nila sa bahay ay hindi nakaligtas at ginawa niyang Starbucks ang pakete. Talaga namang nag-viral at nag-trending ang kaniyang post online.

Tila marami ring mga Pilipino ang nakakaramdam ng kaniyang nararanasan na pagkamiss sa mga pagkain at inuming ito na ating nakasanayan sa paglipas ng maraming mga taon. Ilang mga netizens pa nga ang nagkomento na maaari na pala nila ngayong araw-arawin ang mga kilalang restaurant na kanilang madalas puntahan o kainan noon.



Tunay nga na sa kabila ng krisis na kinakaharap natin sa ngayon ay nananatili pa ring masaya at may pag-asa ang maraming mga Pilipino.



error: Content is protected !!