Angel Locsin, pinagsisisihang ikinampanya niya ang Senador na si Koko Pimentel sa eleksyon noon!



Kamakailan lamang ay naging usap-usapan ng publiko ang naging hakbang at mga naging pahayag ni Mayor Joy Belmonte sa kaniyang nasasakupan sa kalagitnaan ng krisis natin laban sa COVID-19. Matapos nito ay talaga namang nanggigil ang maraming mga Pilipino dahil sa napabalitang paglabag ni Senador Koko Pimentel sa mahigpit na protocol na ipinapatupad ng pamahalaan upang hindi na kumalat pa ang sakit na COVID-19 at tuluyan nang matapos ang ating mga sakripisyo at paghihirap.



Ngunit tila naging kampante ang senador na lumabas ng kaniyang tahanan kahit pa siya ay naka-home quarantine na dapat. Ayon sa ilang mga ulat ay nagtungo ang senador sa isang ospital kung saan sinamahan niya ang kaniyang misis na dapat sana ay manganganak na.


Ngunit hindi rin ito natuloy dahil nang gabi rin na iyon ay lumabas na ang resulta ng kaniyang COVID-19 test kung saan siya ay nagpositibo. Bago pa man ang pangyayaring ito ay napag-alaman din ng kinauukulan na nagtungo pa ang senador sa isang kilalang pamilihan sa BGC na talaga namang maaaring magdulot ng labis na panganib at kapahamakan sa mga taong nakausap o nakasalamuha niya.


Nakakalungkot man ang pangyayaring ito ngunit tila mayroong naganap o nagaganap na hindi tama. Maraming mga Pilipino ang kinakailangang ikulong dahil sa paglabag sa mga protocol na ito ngunit isang senador at tagagawa ng batas ang tila hindi pa nabibigyan ng karampatang parusa sa kaniyang naging kapabayaan.



Hindi na rin nakapagtataka na nagsisisi ang aktres na si Angel Locsin dahil sa naging pag-eendorso nito kay Senador Pimentel noon. Batid naman natin na malaki ang nagiging bahagi ng mga sikat na celebrities sa pagkakapanalo ng mga pulitiko.

Sa social media ay nagpahayag ng kaniyang opinyon si Angel kung saan humingi siya ng tawad sa publiko dahil sa pag-eendorso niya sa dating mister ng kaniyang pinsa. Inilarawan din niya ito bilang isang “mortal sin”.




error: Content is protected !!