Senador Bongbong Marcos pinabulaanan ang mga balitang nasa kritikal siyang kondisyon ngayon!



Si Ferdinand Romualdez Marcos Jr. o mas nakilala ng publiko bilang si Bongbong Marcos ay 62 taong gulang na pulitiko at kasalukuyang senador Ikalabing-anim na Kongreso ng Pilipinas. Siya ang ikalawang anak at tanging anak na lalaki ng dating Presidente at diktador na si Ferdinand Marcos at dating First Lady na si Imelda Romualdez-Marcos.



Siya ay kasal kay Louise “Liza” Cacho Araneta, mayroon silang tatlong mga anak, sina Ferdinand Alexander III “Sandro” isinilang noong 1994, Joseph Simon isinilang noong 1995, at si William Vincent “Vince” na isinilang naman noong 1997. Kamakailan lamang ay nagulat ang publiko dahil sa napabalitaang nasa kritikal na kondisyon na raw ang senador at diumano ay positibo ito sa COVID-19.

Nagpabahagi ito ng kaniyang larawan kung saan makikitang may hawak itong dyaryo at nagpapakita na mas mabuti na ang kaniyang kalusugan sa ngayon. Sa ngayon ay hinihintay pa rin nito ang resulta ng kaniyang COVID-19 test. Nagpasalamat at pinuri din nito ang mga healthworkers at frontliners natin sa panahong ito na patuloy na lumalaban sa nakakatakot na sakit.


Pinayuhan niya ang maraming mga Pilipino na manatili na lamang sa kanilang mga tahanan upang maging ligtas at maiwasan ang naturang pandemya na nararanasan na sa iba’t-ibang panig ng mundo. Bumuhos naman ang maraming suporta sa pamilya ng senador at marami din ang nananalangin na sana ay maging mabuti na nang tuluyan ang kaniyang kalagayan.


Hindi biro ang magkasakit sa mga panahong ito na laganap pa rin ang nakakatakot na sakit na COVID-19 kung kaya naman mas marapat na maging maingat tayong lahat hindi lamang para sa sarili nating kaligtasan at kapakanan kundi maging sa kapakanan na rin ng ating mga mahal sa buhay.



Kung kaya sana ay patuloy na magkaisa at magsama-sama ang maraming mga Pilipino upang tuluyan nang matapos ang kalbaryo na ito at magbalik na ang ating mga buhay sa normal at nang makapagtrabaho na rin o makabalik sa eskwela ang marami sa atin.