South Korea, hinahangaan ng maraming mga bansa sa ngayon dahil sa naging hakbang nila kontra COVID-19!



Usap-usapan ngayon sa social media ng nakakabilib na sistema at mga hakbang na ginawa ng South Korea laban sa pandemyang COVID-19 na hanggang sa ngayon ay nagpapahirap at nananalanta pa rin sa maraming mga bansa sa buong mundo.



Labis na hinangaan ng publiko ang pagiging kalmado at kampante ng South Korea Foreign Minister na si Kang Kyung-wha hindi lamang sa kanilang mga mamamayan kung hindi maging sa kanila mismong pamahalaan.


Ayon pa sa kaniya, ang ilan sa mga naging istratehiya nila ay “openness, transparency, and fully keeping the public informed”. Sadyang napakaganda rin diumano ng kanilang health care system.

At dahil na rin sa mga ito ay nakuha nila ang tiwala at suporta ng kanilang mga tao. Sa katunayan nga ay sa tatlong sunod sunod na mga araw ay mas lumiit na ang mga positibong kaso nila ng COVID-19 kumpara sa mga nauna nang kaso at mga taong naka-recover na.


Mayroon din silang pagtetest na ginagawa sa kanilang mga mamamayan na umaabot sa halos 20,000 kada isang araw. Ayon pa sa kanilang Foreign Minister, ang pagsusuri na ito sa mga taong posibleng mayroon nang COVID-19 ay mas nakakatulong sa kanila upang mapigilan pa ang tuluyang paglaganap nito at maagang magamot ang mga taong positibo na.




Mayroon nasa silang 268,000 na mga na-test sa kasalukuyan at patuloy pang nadadagdagan. Matapos maka-recover ng mga taong nagpositibo sa sakit na ito ay mayroon pa rin silang ginagawang monitoring sa pamamagitan ng isang phone application. Hindi rin sila naglunsad ng malawakang lockdown sa kanilang bansa tulad ng ilang mga bansa sa iba’t-ibang panig ng mundo.

Bago matapos ang buwan ng Pebrero ay nagkaroon sila ng 900 na bilang ng mga positibong kaso ng nakakatakot na sakit na ito at sa kasalukuyan ay bumaba na ito sa 76 na mga kaso na lamang. Tunay nga na isa lamang ang South Korea sa mga bansang maaari nating maging inspirasyon sa patuloy na paglaban sa COVID-19 na ito.




error: Content is protected !!