Isang babae sa Cebu patuloy na nagpapakain ng mga pusa at aso sa kalye kahit sa gitna ng paglaganap ng COVID-19!



Isang babae sa Cebu ang kinabiliban ng publiko dahil sa kahanga-hangang pagmamalasakit nito sa mga aso at pusa na nakatira lamang sa lansangan. Kahit pa sa gitna ng paglaganap ng COVID-19 ay hindi ito natitinag at talaga namang matiyaga niyang pinapakain ang mga hayop na ito sa siyudad ng Mandaue sa Cebu.


Ang naturang mabuting Samaritana ay nakakilala sa pangalang Maureen Claro, siya ay 43 taong gulang na. Kung marami sa ating mga Pilipino ay nag-iimpok ng pagkain para sa ating pamilya, ang mga hayop na nakatira lamang sa lansangan ay walang magawa kundi ang umasa na lamang sa kung anong matitisod o matatagpuan nilang pagkain sa kanilang itinuturing na tahanan.




Ngunit hingi lamang pala ito ngayon ginagawa ni Maureen dahil sa mayroon nang sampung taon mula nang simulan niya ang adbokasiya niyang ito. At kahit pa sa gitna ng banta ng nakakatakot at nakakahawang sakit ngayon sa ating bansa ay hindi pa rin siya tumitigil sa kaniyang ginagawa.


“Sobrang kawawa din sila kasi close na lahat ng canteen, even street food sellers. Kung hindi ako gagawa ng paraan para sa kanila, sino pa?” Pahayag ni Maureen sa CNN Philippines.


Sinigurado naman niya sa publiko na siya ay sumusunod sa batas ngunit nais lamang din niyang gawin ang bagay na itinalaga sa kaniya ng Diyos bilang isang mabuting mamamayan. Pinuri naman ng publiko ang ginagawa na ito ni Maureen.


Maraming mga netizens pa ang nagpahayag ng kanilang mga saloobin na sana ay mas marami pang tao ang tumulong sa abot ng kanilang makakaya sa mga panahon ng krisis tulad nito. Tunay nga na kung magsasama-sama at magtutulungan ang bawat isa ay makakayanan natin ang pagsubok na ito na nararanasan natin sa ngayon.


Huwag din sana nating kalimutan na hindi natutulog ang Diyos at patuloy na tumutugon sa kaniyang mga mahal na anak.




error: Content is protected !!