Ready-to-cook foods ng Jollibee, Mang Inasal, at Chowking ibinebenta ngayon sa mga piling stores sa gitna ng ECQ!



Tunay nga na nakakamiss din pala ang dati nating mga buhay kung saan nagagawa pa natin ang mga nais nating gawin at nakakain pa natin ang mga paborito nating pagkain mula sa mga paborito nating restaurants. At dahil na rin sa pinaigting na “Enhanced Community Quarantine” sa maraming mga lugar sa bansa ay tanging mga tindahan ng pangunahing pangangailangan lamang ang pinapahintulutang magbukas.


Hindi na nakapagtataka na marami sa atin ang nakakamiss na sa mga pagkain na nakasanayan na nating kainin noon pa man. Tulad na lamang ng mga pagkain na mabibili sa Jollibee, Mang Inasal, Chowking, at iba pang mga sikat na restaurants.




Kung kaya naman maraming mga Pilipino ang nagalak dahil sa magandang balita patungkol sa pagbebenta ng mga ito ng kanilang mga pagkain na ready-to-cook na. Layunin nila na maubos na ang kanilang mga natitirang stocks dahil ilan sa kanilang mga tindahan ay kinailangan na ring magsara pansamantala.


Dahil rin dito ay mas maeenjoy na rin ng ilan sa atin ang namimiss nating mga pagkain mula sa mga fast food giants na ito. Limited time offer lamang ito o hanggang sa maubos lamang ang kanilang mga stocks kung kaya naman maraming mga Pilipino ang excited nang subukan ito.



Sa menu ng Jollibee ay makikitang nasa listahan ng kanilang ready-to-cook food ang kanilang popular na original at spicy chickenjoy na P219 lamang ang 8 piraso nito. Mayroon ding beef tapa, beef longganisa, at bacon.

Kasama din sa kanilang listahan ang tuna pie, buko pie at fries. Nagbebenta rin ang Mang Inasal ng kanilang signature mga inihaw tulad ng manok, pork barbeque, bangus sisig, pecho, “sulit chicken” sa halagang P224 hanggang P483.



Habang ang Chowking naman ay mayroong marinated chicken, beef tapa, halo-halo mixes, lumpiang shanghai, siomai, siopao, dumplings at buchi. Talaga namang maraming mga netizens ang nais din bumili at makatikim ng mga masasarap na pagkain na ito.