Isang doktor sa Zambales posibleng mayroong gamot panglaban sa COVID-19!



Ang nakakahawang sakit na COVID-19 ay marami nang mga buhay na nasayang sa ngayon. Marami sa atin ang nakakaranas ng tulong mula sa pribado at pangpublikong sangay ng ating pamahalaan.



Marami ang mga tumutulong upang malampasan natin ang krisis na ito na sa ngayon ay patuloy na nagpapahirap at nagpapalaganap ng takot sa maraming mga tao sa iba’t-ibang panig ng mundo. Ngunit paano nga kaya kung ang maaaring maging gamot sa sakit na COVID-19 ay nadiskubre na ng isang Pilipino?


Ayon sa “The Manila Times”, ang mga Fabunan sa Zambales ay posibleng mayroong hawak ng anti-viral na gamot upang mas mapalakas pa ang immune system ng isang tao dahil na rin sa mga immune-boosting formula nito. Ito ay maaaring makagamot ng sakit na COVID-19.


Si Dr. Willie Fabunan, miyembro ng Fabunan clan ang nagsabi na ang Fabunan Anti-Viral Injection (FAI) ay ligtas dahil sa ito ay kombinasyon ng mga gamot na maaaring mabili ng over-the-counter sa mga botika. Ang orihinal na imbentor ng gamot na ito ay si Dr. Ruben Fabunan.

“We have been using this drÜg for decades, we have acquired US patent for them and we’re all licensed practicing doctors who graduated from government recognized medical school, but it is frustrating,” pahayag ni Dr. Willie dahil sa tila hindi sila nabibigyan ng pagkilala mula sa kanilang naimbentong gamot.



Dagdag pa ng doktor, mayroon nang ilang mga pasyenteng gumaling ang makapagpapatunay sa bisa ng gamot na ito. Ayon sa kanila ay hindi na raw mahalaga sa kanila kung kikilalanin ito ng pamahalaan sa kabila ng mga dokumentong kanilang iprenisinta.

Sa katunayan, ilan lamang sa mga nagagamot nito ay dengue, chikungunya, kagat ng aso, kagat ng ahas, at H!V/A!DS. Ayon din sa Fabunan Medical Clinic ang kanilang FAI na original formula ay ekslusibo at available sa kanilang klinika. Nilinaw din nila na ang kanilang produkto ay iba kaysa sa Prodex-B at sinabi din nilang wala silang kaugnayan sa Health for Life.