Isang Filipino businessman kumasa sa hamon na “Mayaman Challenge” ni Francis Leo Marcos!



Ilang linggo na lamang at inaasahan nang matatapos ang ipinanukala ng ating pangulo na “enhanced community quarantine” para sa ilang mga siyudad sa bansa dahil na rin sa pagkalat ng nakakahawang sakit na COVID-19 sa ating bayan. Layon nitong mabawasan ang mga taong nahahawa o naaapektuhan ng naturang sakit at tuluyan na itong mapuksa upang hindi na muling makahawa pa at makakitil ng buhay ng sinumang Pilipino.



Ngunit nakakalungkot isipin na marami sa atin ang tila hindi nakakasunod sa mga mahigpit na bilin ng mga otoridad na huwag nang lumabas pa ng kanilang mga tahanan kung hindi naman importante ang gagawin sa kanilang paglabas o di kaya naman ay laging pagpapanatili ng “social distancing”. Iba-iba ang mga dahilan ng publiko kung bakit tila nagiging pasaway at matitigas ang kanilang mga ulo, ngunit ang puno’t dulo ng lahat ng ito ay ang kanilang mga pamilyang nagugutom at nangangailangan ng tulong mula sa pamahalaan o maging sa mga mabubuting tao na handang tumulong sa mga taong hikahos at hirap sa buhay.


Tulad na lamang ni Francis Leo Marcos na isang pilantropo at mayamang negosyante. Nabuhayan ang maraming mga Pilipino dahil sa pagnanais nitong matulungan ang marami sa panahon ng krisi na ito. Siya ang nagpasimula sa “Mayaman Challenge” na viral ngayon sa social media kung saan ang mga mayayamang tao dito sa Pilipinas ay maaaring mag-donate ng kahit 1 porsiyento lamang ng kanilang kayamanan upang ipangtulong sa mga tao sa kinakaharap nating krisis ngayon laban sa COVID-19.


Isa sa mga kumasa sa kaniyang hamon ay isa ring negosyante na si Romano Marcella. Ayon kay Marcos, ito daw ay namahagi ng mga grocery supplies para sa mga pamilyang Pilipino na nangangailangan sa ngayon.


Ang mga food supplies na ito ay umabot sa halagang P3,000,000! Labis na humanga ang marami dahil sa pagpapakita nina Marcos at Marcella na sa panahon ng kagipitan ay tunay nga na mayroon pa rin tayong maaasahang tulong at pagmamalasakit mula sa mga kapwa natin Pilipino. Salamat sa inyo at nawa ay patuloy pa kayong pagpalain ng Diyos.






error: Content is protected !!