Mag-asawang doktor na pumanaw dahil sa COVID-19 dinagsa ng pakikiramay at pasasalamat mula sa publiko!



Sa nagdaang mga araw at linggo ay talaga namang nakaranas tayo ng matinding hirap, pangamba at takot dahil sa paglaganap ng sakit na COVID-19 sa ating bansa. Maging ang ilan pang mga bansa sa iba’t-ibang panig ng mundo ay nakaranasa din nito.



Sa ngayon ay marami na ring mga buhay ang nasawi dahil lamang sa nakakahawang sakit na ito. Marami sa ating mga frontliners, lalo na ang ating mga doktor ang pumapanaw dahil sa pagkakahawa nila sa mga pasyente nilang nagpositibo sa naturang sakit.

Isa sa pinakasikat na personalidad na binawian ng buhay dahil sa sakit na ito ay ang kapatid ng host at komedyante na si Ruby Rodriguez na si Dr. Sally Gatchalian. Siya rin ang dating presidente ng Philippine Pediatric Society. Bukod sa kaniya ay mayroon pang ilang mga doktor na nasawi tulad na lamang ng mag-asawang doktor na ito.


Sila ay nakilala bilang sina Dennis Tudtud na isang oncologist at si Helen Tudtud na isang pathologist. Nasawi si Dr. Dennis noong Marso 31 na mismong araw ng kaarawan ng kanilang anak na si Dennis Thomas Tudtud.


Habang ang misis naman niyang si Dr. Helen na isa ring doktor ay nasawi sa edad na 66. Ibinahagi ng kanilang anak na si Dennis Thomas Tudtud ang nakakalungkot na balitang ito sa pamamagitan ng kaniyang social media account.
Ayon sa anak ng pumanaw na mag-asawang doktor ay labis silang nagdadalamhati ng kaniyang kapatid na si Debbie. Hindi nila batid ang dahilan kung bakit maagang binawi sa kanila ang kanilang mga magulang ngunit sa kabila nito ay naging masaya na rin sila dahil sa magkasama na ang kanilang mga magulang sa langit.



Inilarawan din ng anak kung gaano kabuting tao at kabuting mga magulang ang kaniyang ama at ina. Tunay nga na walang makapagsasalarawan ng masakit na nararamdaman nila sa ngayon ngunit patuloy silang umaasa na ang bawat isa ay isasama sa kanilang mga panalangin ang kaniyang mga mahal na magulang.




error: Content is protected !!