Tunay na pagkatao ni Francis Leo Marcos, ibinunyag ng isang netizen kalakip ang ilang mga ebidensiya!



Dahil sa marami nang mga Pilipino ang gumagamit ng social media sa araw-araw, hindi na nakapagtataka na marami na rin tayong nalalaman hindi lamang patungkol sa mga nangyayari sa ating kapaligiran kundi maging sa mga paborito nating artista o di kaya naman ay sa mga kapamilya natin nasa malalayong lugar. Kamakailan lamang ay naging usap-usapan ng publiko ang isang mayamang negosyante na nagngangalang Francis Leo Marcos.


Maraming mga netizens ang nagsasabing mayabang siya ngunit mayroon namang ipagmamayabang. Siya kasi ang nagpasimula ng “Mayaman Challenge” sa social media kung saan hinihikayat niya ang maraming mga mayayaman na mag-donate ng kahit 1% ng kanilang mga kayaman sa mga apektadong mahihirap na Pilipino dahil sa “Enhanced community quarantine” na ipinanukala ng Pangulo upang mapigilan ang labis na paglaganap sa bansa ng nakakahawang sakit na COVID-19.




Sa kabila ng napakaraming mga Pilipinong bumibilib ngayon kay Francis ay mayroon isang netizen na nakilala bilang si Christian Albert Gaza na isang convicted scammer ang nagbunyag sa tunay na pagkatao ni Francis. Ayon kay Christian, si Francis Antonio Leo Marcos ay mula sa Baguio City.


Hindi diumano ito kamag-anak ng mga Marcos dahil ang tunay talaga nitong pangalan ay Norman Antonio Mangusin. Habang ang kaniyang mga magulang naman ay sina Remedios Antonio Mangusin at Gilbert Alejandro Mangusin.


Nag-OFW din diumano ito sa Saudi Arabia ngunit kinailangan niyang magpagawa ng pekeng birth certificate upang makakuha siya ng pasaporte dahil sa mayroon na siyang record sa NBI ng mga panahon na iyon tulad ni Christian. Ibinunyag din niya na nagbayad ng isang judge at dalawang NSO officials si Francis upang mapalitan na ng tuluyan ang kaniyang pangalan at maging Francis Antonio Leo Marcos.



Mula noon ay nagpanggap na rin diumano si Francis na siya ay mayroong dugo ng mga Marcos. Nagkakilala diumano si Christian at Francis taong 2015-2016 dahil sa ilang mga scam projects na inoorganisa ni Christian at ang isa pa nga rito ay co-organizer si Francis.


Nagpangalan din siya ng isang scam project na kanilang ginawa tulad na lamang ng “The Haiyan Shirt Project”. Taong 2008-2009 ay nasampahan din umano ng kaso si Francis at na-issuehan ng warrant of arrest taong 2010.




Ngunit nakapag-piyansa rin naman kaagad kung kaya naman malaya siya hanggang sa ngayon.




error: Content is protected !!