Willie Revillame mayroong inamin kay Manny Pacquiao habang nag-uusap sila kung paano matutulungan ang mga Pilipinong mahihirap!



Kamakailan lamang ay nag-viral sa social media ang video nina Senador Manny Pacquiao at Wowowin host na si Willie Revillame habang sila ay nag-uusap sa cellphone sa pamamagitan ng video call. Nagpaplano sila kung paano sila mas makakatulong sa Pilipinong labis na apektado ng krisis ngayon sa ating bansa dahil sa banta ng COVID-19.



Ayon rin sa ilang mga ulat ay nakapag-donate na ng P1,000,000 ang batikang host na nakalaan para sa mga pangangailangan ng mga magigiting nating frontliners sa bansa na lumalaban sa nakakahawang sakit na ito. Labis ang paghanga ni Willie sa mga healthcare frontliners natin sa bansa dahil sa katapangang kanilang ipinapamalas sa lahat.


Bukod pa sa naging donasyon ni Willie ay ibinahagi din nito na ilan sa kaniyang mga sponsors sa programa niyang Wowowin ang handa ring magdonate ng isang milyong piso at ilang mga medica supplies tulad ng mga face mask.


Sa ngayon ay nananatili ang beteranong komedyante at Kapuso host sa kaniyang private resort sa Puerta Galera kung saan siya at ang ilan sa kaniyang mga staff ay naabutan ng lockdown. Nagkaroon na rin ng pagkakataon si Willie na makausap ang “People’s Champ” na si Manny Pacquiao na handang-handa ring tumulong sa mga Pilipino. Pagbubunyag pa ni Willie ay handa siyang ibenta ang ilan niyang mga ari-arian upang mas makatulong pa sa mga nangangailangan.



Ayon pa kay Manny, batid niya ang pakiramdam ng walang laman ang sikmura dahil sa gutom at pagtulong sa lansangan dahil maging siya ay naranasan na rin ang mga ito bago pa man siya maging isang matagumpay na boksingero, pulitiko, at negosyante. Tunay nga na ilan lamang sila sa mga kilalang personalidad na bukal sa puso ang pagtulong.

Batid naman natin ang naging mga buhay nila bago pa man nila marating ang kinalalagyan nila sa ngayon. Nakakatuwa lamang at sa kabila ng kanilang tagumpay ay hindi pa rin nila nakakalimutang tumulong sa kanilang kapwa lalo na sa kapwa nila mga Pilipino.




error: Content is protected !!