Anne Curtis, ibinahagi na sa publiko ang napakagandang mukha ng kaniyang anak na si Baby Dahlia Amelie!



Si Anne Curtis Smith-Heussaff o mas kilala ng publiko bilang si Anne Curtis ay 35 taong gulang na Filipino-Australian na aktres, modelo, host, VJ, at recording artist. Isa siya sa mga sikat na host ng noontime show na “It’s Showtime” sa ABS-CBN network.


Disyembre 2016 nang ibahagi nina Anne at Erwann sa publiko ang kanilang engagement. Taong 2017 nang sila ay magpakasal. Marso 2, 2020 naman ng isilang ng Kapamilya actress ang panganay nilang anak na si Dahlia Amelie. Maaalalang “Dahlia” ang pangalan ni Anne sa kaniyang ginawang pelikula noong 1997 na Magic Kingdom kung saan siya unang napansin ng publiko.




Kamakailan lamang nang ipakita na ng mag-asawa ang mukha ng kanilang napakagandang anak sa kanilang social media account. Ito ay naganap isang buwan matapos niyang isilang ang kaniyang supling.

Nakasuot ng puting bistida ang kanilang anak habang mayroong katabing mga bulaklak na kung babasahin ay numerong “One”. Nais ng aktres na kahit papaano ay magbigay ng ligaya at kasiyahan ang kaniyang munting anghel sa maraming mga Pilipino sa gitna ng ating kinahaharap na krisis sa ngayon dahil sa COVID-19.


Isang araw matapos itong i-post ni Anne ay umani na ito kaagad ng 1.5 milyong mga likes at napakaraming mga positibong reaksyon mula sa mga netizens. Talaga namang ikinamangha ng publiko ang cute na cute at napakagandang anak ng celebrity couple.


Kahit pa nga side view lamang ang mukha ni Baby Dahlia ay labis pa ring nagalak at nasiyahan ang marami niyang mga tagahanga at tagasuporta. Ang pagkakaroon ng anak ay hindi madali, maraming mga sakripisyo at pagsubok na maaari kang kaharapin ngunit napakalaking biyaya ang pagkakaroon ng isang supling na siyang lalo g magbibigkis sa inyong mag-asawa at mas magpapalalim ng inyong pagmamahalan para sa isa’t-isa.


Tiyak na magiging mabuting mga magulang ang celebrity couple na sina Anne at Erwann.




error: Content is protected !!