Ito pala ang naging buhay ng dating child star na si Agatha Tapan matapos niyang iwanan ang industriya ng show business!



“People come and go”, wika nga ng isang kasabihan na madalas ay naririnig natin sa mga matatanda. Tunay nga na maraming mga tao ang ating makikilala at makakasaluha sa ating buhay.


Marami sa kanila ang mananatili habang marami din naman sa kanila ang aalis at mawawala na lamang. Nakakalungkot mang isipin ngunit ganoon talaga ang buhay. Marami sa atin ang nagpapatuloy na lamang sa kaniya-kaniya nating mga buhay kalaunan. Hindi rin naiiba ang kwento ng ilang mga kilalang personalidad o celebrities noon at ngayon.




Marami sa mga ito ang hinangaan ng publiko at talaga namang nakamit ang rurok ng tagumpay ng kanilang mga karera. Ngunit mayroon din namang iilan na bigla na lamang nawala at nilisan ang industriya ng show business sa hindi malamang dahilan. Isa na marahil sa mga ito ang sikat na child actress noon na si Agatha Tapan.


Taong 1990s ng talaga namang nakilala si Agatha. Isa siya sa mga sikat na teen actress ng ABS-CBN noon. Marami na rin siyang nagawang mga pelikula, commercial at programa sa telebisyon.
Tumatak sa maraming mga Pilipino ang kaniyang ginampanang role bilang si Denise sa teleseryeng Mara Clara na pinagbidahan nina Judy Ann Santos at Gladys Reyes. Sinubaybayan ito ng publiko noong Agosto 17, 1992 hanggang Pebrero 14, 1997.


Ilan sa kaniyang mga nagawang pelikula ay ang remake na pelikula ni Vilma Santos na “Trudis Liit”. Iba pang mga pelikula na kaniyang kinabilangan ay ang “Mr.”, Barumbado noong 1996, Once Upon a Time noong 1997 at ‘Kahit Minsan Lang’.

Sa ngayon ay nakapagtapos na siya ng kolehiyo sa De La Salle University sa Dasmariñas at kumuha ng kursong AB Communication. Nagtatrabaho din siya ngayon bilang isang FWD Financial Wealth Planner. Mayroon na rin siyang sarili niyang pamilya kasama ang kaniyang mister na si Romel Galiza. Taong 2015 nang ikasal sila at makalipas ng ilang buwan ay biniyaan sila ng isang supling.





error: Content is protected !!