Mga bagong silang na sanggol sa Thailand, nakasuot na ng face shields para sa kanilang proteksyon kontra COVID-19!



Halos na apat na buwan na rin mula nang gumulantang sa buong mundo ang nakakahawang sakit na COVID-19. Mula noon ay hindi na naging normal pa ang pamumuhay ng maraming mga tao sa iba’t-ibang panig ng mundo.


Marami sa atin ang nasa loob na lamang ng kanilang mga tahanan at ang ilan sa mga dating gawain o mga aktibidad na ating ginagawa ay hindi na rin maaaring gawin pa sa ngayon lalo na kung kailangan pang lumabas ng ating mga tahanan. Ito ay ilan lamang sa mga hakbang na ating ginagawa upang hindi na tuluyan pang lumobo ang bilang ng mga taong apektado ng naturang karamdaman.




Ang sakit na ito ay walang pinipiling estado o edad ng isang tao. Mahirap, mayaman, matanda o bata ay talaga namang maaaring mahawa nito at kalaunan ay masawi kung hindi agad malulunasan.

Kung kaya naman mas dapat mag-ingat ang publiko sa ngayon lalo na ang mga taong nasa loob ng ospital. Kung kaya naman ang mga healthcare workers ng Paolo Hospital Samutprakarn sa Thailand ay hindi nagiging kampante kahit sandali lamang.



Sa katunayan ay nilalagyan na rin nila ng mga face shields ang mga bagong silang na sanggol sa kanilang ospital upang mas maiwasan ang pagkakahawa ng mga ito sa naturang sakit. Nagbahagi sila ng ilang mga larawan ng mga batang ito sa social media at talaga namang kinagiliwan ng publiko ang mga cute na larawang ito.

Isa sa mga larawang ito ay mapapansin ang isang hilera ng mga bagong silang na sanggol na nakasuot ng face shields habang napakahimbing ng kanilang pagtulog. May isa pang larawan ang nag-viral online kung saan makikita naman ang isang sanggol na nakasuot din ng face shield at kahit nga gising ito ay tila hindi ito naiinis sa kaniyang suot na face shield.


Umani ng napakaraming mga komento at reaksyon mula sa publiko ang naturang mga larawan ng mga cute na sabggol na ito. Tunay nga na mahirap ang kalagayan natin sa ngayon dahil sa hindi pa tuluyang natatapos ang krisis natin sa nakakahawang sakit na COVID-19 ngunit talaga namang hindi pa rin maiaalis sa atin ang patuloy na manalig na matatapos rin ang pagsubok na ito.






error: Content is protected !!