Mensahe ng mga residente ng Alabang at Muntinlupa na nakasulat sa isang lumilipad na saranggola, usap-usapan ngayon sa social media!



Ilang linggo na rin ang nagdaan nang pairalin sa maraming mga lugar sa bansa ang enhanced community quarantine (ECQ). Maraming mga pamilyang Pilipino ang talaga namang nagsusumikap na sumunod sa mga paalala ng ating pamahalaan patungkol sa krisis na kinakaharap natin sa ngayon dahil sa COVID-19.



Dahil na rin sa ECQ ay marami nang mga negosyo at mga establisyemento ang pansamantala munang ipinasara at maging ang lahat ng mga paaralan at unibersidad sa bansa ay maaga na ring tinapos ang kanilang mga klase upang mas mahikayat ang mga taong manatili na lamang sa kanilang mga tahanan at hindi na lumabas pa. Sa pamamaraang ito ay mas makakatulong ang bawat isa upang hindi na tuluyang lumobo ang bilang ng mga taong nahahawa ng sakit na COVID-19.

Ngunit sa paglipas ng maraming mga araw ay marami na rin sa atin ang sadyang naiinip na sa pamamalagi natin sa ating mga tahanan. Mayroong iilan na sinusulit ang mga panahon na ito upang makapaglaan ng mas maraming oras at panahon para sa kanilang mga mahal sa buhay.


Habang mayroon namang iilan na nagnais ipagpatuloy ang kanilang mga kinahihiligang bagay tulad na lamang halimbawa ng pagsusulat, pagguhit, pagbabasa ng libro, pagpipinta, pananahi, panggagantsilyo, at marami pang iba. Kamakailan lamang ay pumukaw sa atensyon ng publiko ang video na ito ng isang lumilipad na saranggola.


Ang naturang saranggola ay ibinahagi sa social media ng netizen na nakilala bilang si Janus Regit Sevilla Nañez. Ito ay mula sa mga residente ng Alabang at Muntinlupa na diumano ay gutom na dahil sa lockdown at nais nilang ipabatid sa pamahalaan ang kanilang hinaing.



Umani ng maraming mga puna at reaskyon ang naturang post sa maraming mga netizens. Kahit papaano ay nagsusumikap pa rin hanggang sa ngayon ang ating gobyerno katuwang ang mga lokal na pamahalaan at maging ang mga pribadong sector at mga kilalang personalidad upang mas makatulong pa sa mga pamilyang Pilipino na labis na naapektuhan at nahihirapan sa sitwasyon nating ito.