“Homemade Outdoor Pool” para sa mga bata, patok na patok sa mga netizens!



Nakakalungkot mang isipin ngunit ang umiiral na “enhanced community quarantine” sa ngayon ay mahigpit na nagpapatupad sa bawat pamilyang manatili lamang sa loob ng kanilang mga tahanan. Marami na ring mga negosyo at establisyemento ang ipinasara na upang wala nang maging dahilan pa ang publiko upang lumabas sa kanilang mga tahanan, makisalamuha sa ibang tao at kalaunan at mahawa ng sakit na COVID-19.


Dahil na rin sa mas pinaigting na ECQ sa maraming mga lugar sa bansa ay maraming mga bagay ang hindi pa natin maaaring gawin dahil mas importante ang kaligtasan ng lahat. Marahil ay isa na sa mga ito ang pagtatampisaw sa mga swimming pool lalo na ngayong “summer” na!




Madalas ay nagtutungo ang marami sa atin sa mga resorts, o di kaya naman ay sa mga beach upang maglangoy at magtampisaw sa tubig. Dahil sa imposible itong mangyari sa ngayon, naging malaking tulong at napakagandang ideya ang nakuha ng maraming mga netizen mula kay Cyhla Arellano.


Nakagawa lang naman sila ng “outdoor swimming pool” sa pamamagitan lamang ng ilang mga katawan ng puno ng saging at malaking plastik! Nagtulong-tulong ang mga kalalakihan upang maayos ang mga katawan ng puno ng saging at nilagyan na nila ito ng plastik.


Umani ng maraming mga komento at reaksyon mula sa publiko ang kakaiba at kahanga-hangang ideya na ito na talaga namang magugustuhan ng ating mga anak. Dahil sa krisis na pinagdaraanan natin sa ngayon, maaaring hindi pa natin mapuntahan ang mga lugar na nakasanayan nating puntahan noon ngunit maaari pa rin naman tayong magsaya sa ating mga tahanan kasama ang ating pamilya.


Tunay nga na wala pa ring papantay sa kaligayahang nagmumula sa atin mismong mga pamilya kung kaya naman lalo pa nating sulitin ang mga panahong kasama natin sa kanila. Mas importante din ang kaligtasan nating lahat upang mas maaga nating mapagtapos ang krisis na kinakaharap natin sa ngayon at nang makabalik na rin tayo sa dati nating mga buhay.





error: Content is protected !!