Kapitan na nagpamigay ng kaniyang sweldo sa kaniyang nasasakupan, hinangaan ng publiko!



Sa panahon natin ngayon na talaga namang napakaraming mga pamilya ang nahihirapan dahil sa patuloy na pagpapairal ng enhanced communitu quarantine sa maraming mga lugar sa bansa dahil na rin sa patuloy pang paglobo ng mga taong nahahawa sa sakit na COVID-19. Kahit pa nga maraming mga kilalang personalidad o artista na nagtutulong-tulong, samahan pa ng mga pribadong sektor, lokal na pamahalaan at ng atin mismong gobyerno, sadyang napakarami pa rin ang kinakailangan ng tulong sa ngayon.


Kung kaya naman talagang hinahangaan ng marami ang mga taong mas pinipili na tulungan ang kanilang kapwa kaysa ang sarili nilang mga pangangailangan. Tulad na lamang ng isang kapitan na ito mula sa Narra, Palawan.



Nag-viral sa social media ang kabutihang-loob na ito ng kapitan dahil sa isang netizen na nagbahagi nito sa social media. Siya ay nakilala bilang si Elizabeth Abala Paguntalan.

Ayon sa naturang netizen, nakakabilib ang kanilan kapitan dahil sa pamamahagi nito ng tulong sa mga Persons With Disability o mga PWDs at solo parents mula mismo sa sarili niyang bulsa. Maging ang pulis na apo ng naturang kapitan ay hindi rin nag-atubiling tumulong ayon pa sa netizen.


Ang butihing kapitan ay nakilala bilang si Kapitan Amante Galla ng Brgy. Bagong Sikat, Narra, Palawan. Habang ang kaniyang apo naman ay si Police Officer Jobeth Galla.


Talaga namang umani ng napakaraming mga komento mula sa mga netizens ang naturang post. Ngunit higit sa lahat ay napatunayan ng mga nasasakupan ni Kap. Galla na hindi naman lahat ng pulitiko ay masasama o makasarili dahil kahit paano ay mayroon pa ring tulad niya na hindi nagdadalawang-isip na ibigay ang kung ano mang mayroon siya para sa kaniyang nasasakupan.

Sana ay kahit paano ay pamarisan siya ng marami pang pulitiko sa ating bansa. Hindi man sila magbahagi ng mula sa kanilang mga sariling bulsa ay kahit paano ay huwag na sana silang maging dahilan pa upang mawalan o hindi matanggap ng mga maralitang mamamayan ang inilaan sa kanila ng pamahalaan.






error: Content is protected !!