Maraming mga netizens ang nag-react nang magbahagi si Eric Fructuoso ng throwback picture nila ng dating nobya na si Claudine Barretto



Si Claudine Margaret Castelo Barretto o mas nakilala ng publiko bilang si Claudine Barretto ay 40 taong gulang na aktres, endorser at entrepreneur. Isa sa mga naging unang proyekto ng batikang aktres ay ang youth-oriented variety show na “Ang TV”.



Tinagurian din siya bilang “The Optimum Star “. Ilan sa mga naging matagumpay niyang proyekto ay ang Mula sa Puso (1997–1999), Saan Ka Man Naroroon (1999–2001), Sa Dulo ng Walang Hanggan (2001–2003), Marina (2004), Iisa Pa Lamang (2006) and box-office hit / award-winning films like Dahil Mahal na Mahal Kita (1998), Anak (2000), Got 2 Believe (2002), Kailangan Kita (2002), Milan (2004), Nasaan Ka Man (2005), Sukob (2006), at Etiquette for Mistresses (2015).

Marso 2006 nang ikasal siya sa aktor na si Raymart Santiago ngunit nag-divorce din sila nang taong 2013. Mayroon silang dalawang mga anak sina Sabina at Santino Santiago. Taong 2015 naman nang mag-ampon si Claudine at nakilala ito sa pangalang Quia Barretto. Kamakailan lamang ay muli na namang naging usap-usapan ang pangalan ng aktres dahil sa pagbabahagi ni Eric Fructuoso ng kanilang throwback picture.


Ang naturang larawan ay kuha noong ginagawa nila ang proyekto nilang “Palibhasa Lalake”. Abril 6 nang i-post ito ng aktor sa kaniyang social media account. Ang naturang sitcom ay ipinalabas sa ABS-CBN mula 1987 hanggang 1998. Pinagbidahan ito nina Richard Gomez, Joey Marquez, John Estrada, Miguel Rodriguez, at Anjo Yllana, sa direksyon ni Direk Johnny Manahan.


Nilagyan ito ni Eric ng caption na “Kilay (ctto)”. Maraming mga netizens ang talaga namang bumilib dahil sa kitang-kita sa naturang larawan ang kagwapuhan at kagandahan ng dalawang artista. Hindi rin naman makapaniwala ang ilang mga netizen na naging magkasintahan pala ang dalawa.

Maaalalang naging bahagi si Eric ng all-boy group na “Gwapings” kasama sina Mark Anthony Fernandez, Jomari Yllana, at Jao Mapa. Habang si Claudine naman ay miyembro ng all-girl group na “Kutings” kasama sina Rica Peralejo, G. Toengi, Regine Tolentino, Lindsay Custodio, at Maria Kristina P. Taong 2015 nang umamin si Claudine na nagkaroon nga sila ng relasyon noon ni Eric sa isang episode ng programang “Gandang Gabi Vice”.






error: Content is protected !!