Misis ni Dennis Padilla na isang Filipina-Australian, kilalanin!



Marahil ay marami na sa atin ang nasawi na o nabigo na sa pag-ibig noon. Hindi madali at talaga namang napakasakit ang ganitong karanasan.

Maaaring kampante ka na noon at handa ka nang ibigay ang buong buhay at ang buong puso mo sa isang tao ngunit mayroon talagang mga pangyayari na hindi natin inaasahan. At mayroon din tayong mga desisyon na dapat gawin hindi lamang para sa ating mga sarili kundi para na rin sa ating mga minamahal.



Tulad na lamang ng naging karanasan ng sikat na aktor at komedyanteng si Dennis Esteban Dominguez Baldivia o mas nakilala ng publiko sa kaniyang screen name na Dennis Padilla. Siya ay 58 taong gulang na komedyante, TV host, radio broadcaster at dating pulitiko.


Taong 2001 hanggang 2007 ay nanungkulan siya bilang isang city councilor. Nito lamang 2017 nang maging isa siya sa mga board members ng Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB.


Talaga namang hanggang sa ngayon ay hinahangaan pa rin ang angkin niyang talento at karisma. Batid ng marami ang naging kwento ng kaniyang pag-ibig sa dati nitong misis na si Marjorie Barretto na isa ring sikat na artista. Taong 1997 nang ikasal sina Dennis at Marjorie.


Biniyayaan sila ng tatlong mga anak, sina Julia, Claudia, at Leon Barretto. Ngunit hindi rin nagtagal ang kanilang pagsasama dahil sa naghiwalay din sila taong 2010.



Hindi man naging maganda ang kinahinatnan ng kanilang pagsasama ni Marjorie ay sinikap pa rin nitong maging isang mabuting ama sa kaniyang mga anak. Hanggang sa nakilala niya ang misis niya ngayon na si Linda Gorton.

Ayon sa ilang mga ulat ay 49 taong gulang noon si Dennis nang magkakilala sila ni Linda na 25 taong gulang pa lamang. Si Linda ay isang Filipino-Australian. Kahit pa nga halos 24 na taon ang agwat nila sa isa’t-isa at naninirahan sa ibang bansa si Linda ay hindi ito naging hadlang upang hindi matuloy ang kanilang pagmamahalan.

At dahil sa gumawa ng paraan si Dennis upang muling makita si Linda sa Australia ay nakuha nito kalaunan ang loob ng kaniyang pamilya. Sa ngayon ay 12 taon na silang nagsasama kapiling ang kanilang tatlong mga anak na sina Rizzi, Madie, at Gavin.






error: Content is protected !!