Anak hinangaan ng publiko matapos unahing iligtas ang kaniyang matanda at mahinang ama sa gitna ng isang sunog!



Ayon sa maraming mga matatanda sa ating komunidad, mainam nang manakawan tayo kaysa naman masunugan. Kung tutuusin parehong hindi magandang karanasan ang ikaw ay manakawan sa sarili mong tahanan o di kaya naman ay masunugan.


Ngunit para sa nakararami ay mas mainam nang mawala o manakaw sa iyo ang ilang mga bagay o gamit na madali nang palitan kalaunan kaysa naman tuluyan nang kainin ng apoy ang lahat ng bagay na iyong pinagtrabuhan at abo na lamang ng mga ito ang iyong makikita. Marahil marami sa atin ang sumasang-ayon na kung sakaling makaranas tayo ng sakuna tulad na lamang halimbawa ng sunog ay una nating ililigtas ang ating ipong pera, mga importanteng dokumento, o di kaya naman ay ang mga mamahaling gadget o appliances na ating napundar.



Ngunit ang lalaking ito ay sinigurado munang ligtas ang kaniyang ama na mahina at matanda na bago. Nakuhanan kasi ng larawan ang isang lalaking ito na karga-karga ang isang matandang lalaki na kalaunan ay napag-alaman na ama pala ng naturang lalaki na may karga dito.

Ang naturang post ay ibinahagi ng netizen na si Marivic Tribian. Bagamat wala pang pagkakakilanlan ang naturang lalaki ang wala ring eksaktong detalye kung saan naganap ang naturang sunog ay talaga namang kinabiliban ang lalaking ito ng publiko.


“Tama ‘yan Kuya.. Mas inuna mong iligtas ‘yung matanda,” pahayag ni Marivic sa kanyang post. Mayroon na itong higit sa 15,000 na mga reaksyob, 300 na mga komento, at 9,600 namang mga shares habang isinusulat ang artikulong ito.


Maraming mga netizens ang nagpahayag ng kanilang mga positibong komento at reaksyon mula sa viral post na ito. Ang buhay ng tao lalo na ng ating mga magulang ay talaga namang isang napakagandang biyaya mula sa Diyos kung kaya naman hindi sana natin malimutan ang mga naging paghihirap at pagsasakripisyo nila para sa atin mula noong tayo ay mga musmos pa lamang hanggang sa ngayon na tayo ay nasa wastong gulang na.