Isang FoodPanda rider na nagtatrabaho kahit pa isa lamang ang kaniyang binti, labis na hinangaan ng publiko!



Isa lamang ang binti ng lalaking ito na namataan sa Mandaue City, Cebu ngunit talaga namang nasorpresa ang marami dahil sa kaniyang pagsusumikap sa buhay. Sa kabila kasi ng kaniyang kondisyon ay nagtatrabaho pa pala ito bilang isang FoodPanda rider.



Batid naman ng marami sa atin ang hirap ng kaniyang kalagayan ngunit sa kabila nito ay hindi mo siya makikitaan ng awa o habag sa kaniyang sarili bagkus ay nakahanap pa siya ng paraan upang masuportahan ang kaniyang pamilya. Isang 39 na taong gulang na netizen na nakilala bilang si Ronald Anthony “Arar” Ouano ang nagbahagi ng mga larawan ng naturang lalaki sa social media.

Ayon sa kaniyang post, naghihintay siya sa pila sa drive-thru ng Jollibee Highway Seno sa naturang siyudad nang mapansin niya ang lalaking ito na tila nahihihirapang bumaba ng kaniyang motor. Natuklasan niyang isa lamang ang binti ng lalaki matapos nitong makababa ng kaniyang sasakyan.


May gamit na saklay ang naturang lalaki na mayroong nakalagay na “FoodPanda box” sa likod ng scooter nito. Ang nakakamanghang lalaki na ito na isang FoodPanda rider ay nasa naturang lugar pala upang kumuha ng ilang mga orders nito na kaniyang idedeliver sa kaniyang mga customers.


“I immediately called the attention of my wife and we both felt deep respect and admiration for the man because despite his disability he was still working, risking his health to feed his family and serving people with food deliveries,” Pahayag ng naturang netizen sa kaniyang post.



Dagdag pa ni Quano sa napakaraming mga tao sa ngayon na walang ginawa kundi ang magreklamo at manghusga sa maraming mga bagay sa kanilang paligid, ang lalaki na ito na mayroong isang binti lamang ay patuloy na kumakayod at nagsusumikap para sa kaniyang pamilya sa gitna ng krisis na kinakaharap natin sa ngayon. Talaga namang nakamamangha at nakabibilib ang ganitong klase ng mga tao.




error: Content is protected !!