Mag-asawang bayaning doktor na pumanaw dahil sa COVID-19, inalala ng kanilang mga anak!



Marami nang kinuhang buhay ang pandemyang nararanasan ng buong mundo sa ngayon. Talaga namang hanggang sa mga oras na ito ay patuloy pa ring lumolobo ang bilang ng mga taong nahahawa ng delikadong karamdaman na ito.



Maaaring hanggang sa ngayon ay marami pa ring mga Pilipino ang hindi nababahala sa bilang ng mga taong nasasawi dahil sa naturang sakit. Ngunit patuloy pa rin ang pagpapaalala ng mga kinauukulan na mas maging responsable at disiplinado ang bawat isa upang wala nang masayang pang buhay.

Tulad na lamang ng dalawang bayaning doktor na ito na sina Dr. Dennis Ramon Tudtud at misis nitong si Dra. Helen Tudtud. Isang oncologist si Dr. Dennis habang isa namang pathologist si Dra. Helen.



Ibinahagi ng kanilang anak na si Dennis Thomas Tudtud II ang kanilang pag-alaala sa kanilang pinakamamahal na mga magulang. Ipinahayag din ng anak kung paano niya pinayuhan ang mga magulang na doktor na huwag na munang magtungo sa mga ospital dahil sa sila ay may edad na at isa sila sa mga may malaking tyansang mahawa ng delikadong sakit.


Sinabi naman ng mag-asawang doktor na huwag nang mag-alala ang kanilang mga anak dahil sa mag-iingat naman sila at magsusuot ng dobleng “face mask”. Ngunit sa kabila ng kanilang naging pag-iingat ng mag-asawa ay nahawa pa rin sila.


Unang na-confine si Dra. Helen habang naka-home quarantine naman ang mister. March 21 nang manghina ang kaniyang ina at nagsabi itong ipaalam ang kaniyang kalagayan sa mister. Lingid sa kaalaman ng doktora na isinugod na rin sa ICU ang mister nito. Kahit pa naka-intubate na ang ama ay nakapagpadala pa rin ito ng mensahe para sa kanila.


Nais nang kanilang ama na magbigay sila ng medical order sa isang pasyente. Talaga namang mabait at maaasahang doktor ang kaniyang ama ayon kay Dennis. Ibinibigay diumano nito ang kaniyang personal na numero sa kaniyang pasyente at kahit pa nga alanganing oras at sumasagot ito ng mga tawag mula sa kaniyang mga pasyente. Kalaunan ay pumanaw na ang mag-asawang doktor na halos tatlong araw lang ang pagitan ng pagpanaw.






error: Content is protected !!