Zeus Collins nakituloy muna sa tahanan ng kaniyang nobya sa gitna ng pinapairal na lockdown!



Isa marahil sa pinakahinahangaang personalidad ngayon sa industriya ng social media ang Kapamilya host at dancer na si Zeus Collins. Siya ay isinilang noong Marso 19, 1993. Sa ngayon ay 27 taong gulang na siya. Bukod sa pagiging dancer ay isa ring commercial model si Zeus.


Una siyang napanuod at nakilala ng publiko sa sikat na programa ng ABS-CBN, ang Pinoy Big Brother. Marami ring mga Pilipino ang talaga namang humanga sa dancer ngunit nang ika-133 araw na ng kaniyang pamamalagi sa “Bahay Ni Kuya” ay kinailangan na rin niyang lumabas.




Ayon sa ilang mga ulat, naabutan na si Zeus ng mahigpit na pagpapairal ng enhanced community quarantine sa tahanan ng kaniyang kasintahang si Pauline. Si Pauline ang non-showbiz girlfriend ng hunk dancer.


Talaga namang sinusulit nila ang mga panahong magkasama silang dalawa. Habang nasa tahanan nina Pauline si Zeus ay tumutulong ito sa kaniyang pamilya na magpinturang muli ng kanilang tahanan.


Bukod sa ganitong pamamaraan nila upang mabawasan ang pagkainip na kanilang nararamdaman sa loob ng tahanan ng nobya nito ay gumagawa rin sila ng ilang mga video habang magkasabay silang sumasayaw. Talaga namang kinainggitan ng maraming mga netizens ang magkasintahang ito.


Mayroon pang isang video na ibinahagi sa Zeus sa kaniyang mga tagahanga kung saan makikitang nagpapasikat siya sa kaniyang nobya sa pamamagitan ng pagpapakita ng ilang mga dance moves nito kay Pauline. Ayon sa inilagay na caption sa post na ito ay hindi man mananayaw si Pauline ay talaga namang napapaindak ito kung maririnig nito ang paborito niyang tugtog.


Talaga namang hinangaan rin ng publiko ang pagiging simple ng dalaga at ang angking kagandahan nito. Hindi na nakapagtatakang nabihag niya ang puso ng sikat na dancer at host na si Zeus Collins.


Marami sa kanilang mga tagahanga at tagasuporta ang nananalangin at umaasang sana ay sina Zeus at Pauline na nga ang para sa isa’t-isa. Talaga namang nakakakilig ang magkasintahang ito sa harap man o sa likod ng kamera.






error: Content is protected !!