Ginang sa Bulacan, huli matapos ipangrebong ang nakuha niyang ayuda mula sa gobyerno!



Mainit na usapan ngayon sa social media ang ipinamahaging tulong ng gobyerno sa mga mahihirap na pamilyang Pilipino na labis na naapektuhan ng ipinatutupad na “enhanced community quarantine” sa bansa. Maraming mga Pilipino ang talaga namang nainis, nagalit, at nadismaya dahil sa hindi makatarungang pagbibigay ng ayuda sa mga taong hindi naman karapat-dapat bigyan ng tulong.


Ilan na sa mga ito ay ang mga kamag-anak ng mga nakaupong pulitiko, mga pamilyang mayroon namang kaya sa buhay, dalawa o higit pang indibwal na nakatanggap sa iisang pamilya lamang, mayroon ding mga indibwal na namayapa na ngunit nakaama pa sa listahan. Hindi maiaalis sa isip ng publiko ang magtaka, at magduda dahil sa mga bagay na ito.

Maliban pa rito ay mayroon ding mga balita na ang ilan sa mga taong nabigyan ng tulong ng gobyerno ay ipinupuhanan sa hindi magandang mga gawain, habang ang isa namang ginang na ito sa Bulacan ay ginamit upang ipangpa-rebond ng kaniyang buhok ang nakuha niyang ayuda na dapat sana ay para sa pagkain at pangangailangan ng kanilang pamilya. Naninirahan sa Bocaue, Bulacan ang ginang na dinampot ng mga kagawad ng barangay dahil sa hindi nito pagsunod sa curfew.


Bandang 9:30 na kasi ng gabi ng mamataang naglalakad pa ang ginang mula sa isang salon pauwi ng kanilang tahanan. Ikinagulat ng kinauukulan ang rason ng ginang sa hindi niya pagsunod sa panukalang ito, dahil diumano sa kaniyang pagpaparebond o pagpapaayos ng buhok matapos na makatanggap ng P6,500 na halaga ng ayuda mula sa gobyerno.


Ibinahagi ni Bocaue Bulacan counsellor na si Rico Navaroo ang naging kaganapan na ito. Maraming mga netizens ang nagalit at talaga naman nainis dahil sa ginawang ito ng ginang.




Ayon sa ilang mga netizens, dapat sana ay hindi na muna inuna ng ginang ang kaniyang buhok dahil sa mas marami pang kailangang unahin sa panahon ngayon tulad na lamang ng pagkain, gamot, at mga bagay na kailangan ng isang pamilya. Nakakalungkot mang isipin ngunit sana ay magsilbi itong aral sa maraming mga Pilipino lalo na sa mga kinauukulan.





error: Content is protected !!