Ginang tinawag na mayabang ng kaniyang kaibigan dahil sa pagpopost nito ng mga handa niya para sa kaniyang kaarawan sa gitna ng COVID-19 na krisis natin sa ngayon!



Dahil sa pandemyang nararanasan natin sa ngayon, maraming mga bagay na nakasanayan natin noon ang hindi na natin nagagawa pa. Marahil ay dahil sa takot o pangambang nadarama natin na maaaring tayo ay mahawa o maapektuhan ng nakakahawang sakit na COVID-19 na hindi lamang sa Pilipinas patuloy na lumalaganap kundi maging sa buong mundo.


Sabi nga ng maraming nakatatanda, kung hanggang sa ngayon ay wala pa ring nagkakasakit o nasasawi sa inyong pamilya nang dahil sa sakit na ito tiyak na epektibo ang ginagawa ninyong pagsunod sa kinauukulan. Ngunit kahit pa nga mahirap ang sitwasyon natin sa ngayon ay marami pa rin ang naghahangad na kahit papaano ay maipagdiwang nila ang kanilang mga anibersaryo, o di kaya naman ay ang mga kaarawan o birthday ng mga tao sa loob ng sambahayan.




Nakakalungkot lamang dahil kamakailan lamang ay mayroong isang netizen na tila ba hindi natuwa sa pagbabahagi ng kaniyang kaibigan ng ilang mga larawan ng kaniyang naging selebrasyon para sa kaniyang kaarawan sa loob ng kaniyang tahanan. Si Rachelle Rosales ay labis na nagalak dahil sa mga taong bumati at nakaalala para sa kaniyang kaarawan kahit pa nga marami sa atin ang hirap din sa sitwasyong kinalalagyan natin.


Ngunit hindi ikinatuwa ng kaniyang kaibigan na si Erico Roldan ang pagpopost nito ng mga larawan ng kaniyang handa sa social media dahil sa diumano ay pagyayabang ito. Batid din naman diumano niyang mahirap ang buhay at maraming nagugutom sa ngayon kung kaya nararapat lamang na maging sensitibo siya.



Bukod sa pagiging mayabang ay sinabihan din niya si Rachel na iresponsable at idinagdag pa na mayroon talagang mga taong hindi nag-iisip. Ipinagtanggol naman si Rachel ng kaniyang pamilya at ng mga taong nakakikilala sa kaniya.

Marami din ang nagalit sa naturang netizen na basta-basta na lamang siyang paparatangan ng mga bagay na hindi naman talaga ginawa o intensyon ng may kaarawan. Maaaring may punto ang naturang netizen sa kaniyang mga pinahayag ngunit sana ay hindi na lamang niya isinapubliko ang lahat ng nakasasakit na salitang kaniyang sinabi dahil maaari din naman niya kausapin ang kaniyang kaibigan nang sila lang ang nakaaalam at hindi na kailangan pang mamahiya.





error: Content is protected !!