Ellen Adarna nagsalita na patungkol sa pagiging magulang nila ni John Lloyd sa kanilang anak!



Bilang mga tagahanga ng mga sikat na artistang ating iniidolo, wala tayong ibang ninais kundi ang maging masaya sila at magkaroon ng masayang pamilya. Bagamat hindi naman natin talaga sila kaanak o kadugo ay tila ba mayroong kakaibang koneksyon na nagsasabing wala kang ibang nais para sa artistang hinahangaan mo kundi ang maging maligaya sa buhay.


Ngunit hindi lahat ng artista at nakakatagpo ng taong magmamahal at mamahalin nila habang buhay. Kadalasan ay makakaranas lamang sila ng panandaliang kasiyahan sa kanilang buhay pag-ibig ngunit kalaunan ay hindi rin pala ito magiging matagumpay.



Tulad na lamang halimbawa ng naging relasyon nina John Lloyd at Ellen Adarna. Bagamat hindi naging maayos o maganda ang kanilang mga naging desisyon nang bigla na lamang nilang iwanan ang show business ay talaga namang hinangaan ng maraming mga Pilipino ang kanilang “Love Conquers All” na istorya.


Ngunit unang Linggo ng Agosto noong 2019 nang maging usap-usapan ang diumano’y paghihiwalayan ng dalawa. Ayon sa ulat ng PEP ay co-parenting na lamang ang status nilang dalawa. Kamakailan lamang ay nagsalita na si Ellen patungkol sa isyu na ito.


Ito ay matapos magtanong ang isang netizen kung gaano kadalas makita ni Ellen ang kaniyang anak. Naitanong ito ng netizen dahil maraming nakapansin na sa Instagram Live nina John Lloyd at Bea ay ipinakilala pa ng aktor ang aktres sa kaniyang mag-dadalawang taong gulang na anak.


Agad naman itong sinagot ni Ellen at sinabing sa kaniya nakatira ang kanilang anak at dalawang beses sa isang Linggo ay natutulog si Elias Modesto sa kaniyang ama dahil sa nagko-co-parent silang dalawa. Talaga namang kahit papaano ay bibilib ka pa rin sa dalawang ito na nagpupursige na ibigay ang nararapat sa kanilang anak.


Hindi man naging maganda ang pagtatapos ng kanilang pag-iibigan ay nais naman nilang maging mabuting mga magulang sa kanilang anak. Sa kabilang banda, marami din naman ang humanga sa napakagandang katawan ni Ellen Adarna na aakalain mong hindi nanganak!


Maraming mga netizens ang naiinggit dahil sa maliit niyang tiyan at sa kutis ngayon ng kaniyang balat dahil sa pagkaka-tan nito.






error: Content is protected !!