Kyline Alcantara, ibinahagi sa publiko ang kaniyang kinalakihang buhay probinsiya noon!



Isa ka rin ba sa mga Pilipinong sarap na sarap sa mga putahe o lutong Pilipino na mayroong gata? Napakarami nating mga “ginataan recipe” lalo na ang mga kababayan nating Bicolano. Bicol express, ginataang manok, ginataang langka, ginataang papaya at marami pang iba.


Sangkap din ang gata sa ilang mga paborito nating panghimagas tulad na lamang ng latik sa bibingka o sa biko at marami pang iba. Talaga namang napakasarap ng mga pagkain nating ito. Upang makuha ang napakasarap na gata ng niyog ay kinakailangan itong pigain ng husto. Ngunit bago pa man mangyari yun ay dapat munang kudkurin ang niyog.




Hindi ito madaling proseso para sa iilan. Ngunit aakalain ba ninyong kahit ang sikat na aktres na si Kyline Alcantara ay kaya ring magkudkod ng niyog? Kamakailan lamang ay nagbahagi ng isang video ang Kapuso star kung saan ipinapakita nito kung paano siya magkudkod ng niyog. Ayon pa sa kaniyang post ay bata pa lamang siya ay talaga namang siya na ang palaging gumagawa nito sa kanilang pamilya.

Dagdag pa nito ay laking- probinsiya talaga siya kung kaya naman alam niya ang mga gawaing ito. Ayon din sa ulat ng GMA news, nasa Bikol pa sa ngayon ang aktres habang ipinapatupad ang “enhanced community quarantine”.



Talaga namang hinangaan ng publiko ang pagiging mahusay na aktres ni Kyline. Bukod dito ay talaga namang pinagmamalaki niya ang kaniyang pinagmulang buhay at kahit pa nga siya ay sikat nang artista ay masayang-masaya pa rin siyang balikan ang mga bagay na dati na niyang ginagawa sa probinsiya.

Isang napakagandang inspirasyon para sa maraming mga kabataan ngayon na hindi dapat nila ikahiya ang kanilang pinagmulan maging ang mga simpleng bagay na kanilang ginagawa sa kanilang buhay. Mas marapat ding magpasalamat sa mga bagay na natututunan natin sa ating buhay kaysa maging mayabang at mapagmalaking tao.





error: Content is protected !!