Coco Martin, nagpahayag ng kaniyang saloobin patungkol sa pagpapasara ng ABS-CBN!



Laman ng maraming mga balita sa ngayon, lalo na sa social media ang naging pagpapasara ng ABS-CBN station. Talaga namang ikinalungkot ito ng maraming mga Pilipino dahil noon pa man ay naging malaking bahagi na ng ating mga buhay ang naturang istasyon.


Ayon sa ilang mga ulat, mayroong higit sa 11,000 na mga empleyado ng ABS-CBN ang mawawalan ng trabaho dahil sa pagpapasara na ito. Ito ay dahil sa hindi pa rin naaaprubahan ang “franchise renewal” ng isa sa pinakamalaking istasyon sa bansa. Maraming mga netizens ang talaga namang umalma sa nakakapanggalit na pangyayaring ito.



Ngunit maliban sa mga netizens na ito ay kanya-kanya rin ng mga saloobin ang mga artistang itinuring nang tahanan ang ABS-CBN. Isa na sa kanila ang sikat na aktor at direktor na si Coco Martin.
Naging mainit at talaga namang puno ng galit ang kaniyang mga naging pahayag patungkol sa mga taong naging dahilan upang maipasara ang tahanan ng maraming mga Pilipino. Giit pa ng aktor ay nasiyahan na sana at nakuntento ang mga taong nagnais na mangyari ito.


Inilarawan din niyang walang mga konsensiya ang mga taong naging dahilan nito. Hindi rin dapat sila pakitaan ng diplomasya o pagkamalumanay, dagdag pa ni Coco. Maraming mga pamilyang Pilipino ang talagang maaapektuhan nito kung kaya naman hindi na rin napigilan ni Coco na magpahayag ng tunay nitong nararamdaman.


Marami din namang mga netizens ang sumang-ayon sa kaniya at nagsabing wala talagang hustisya ang pangyayaring ito at tanging mga walang puso lamang ang makagagawa nito lalo na sa ngayon na humaharap pa rin tayo sa mahirap na pagsubok dahil sa pandemyang COVID-19.


Samantala, hinangaan din naman ng maramig mga netizens ang pamunuan ng istasyon dahil sa halip na magmatigas ay sumunod na lamang ang mga ito nang naaayon sa batas kahit pa hindi nila nais na tuluyang magsara at mawalan ng trabaho ang maraming mga Pilipino.




error: Content is protected !!