Bulaklak ng kalabasa, naranasan mo na rin bang kumain nito?



Sa panahon natin ngayon na talaga namang napakaraming mga sakit ang hindi natin inaasahang magdudulot ng matinding paghihirap at paghihinagpis sa maraming mga tao sa buong mundo, mas mainam na talagang sigurado tayo sa ginagawa nating pagpapahalaga at pangangalaga sa ating kalusugan. Hindi dapat natin ipagsawalang-bahala ang mga hindi magandang maidudulot ng pagpapabaya sa ating pangangatawan at kalusugan.


Napakahalaga ng kalusugan para sa ating lahat. Isa ito sa mga biyayang kalooban ng Diyos na dapat nating pahalagahan at pakaingatan. Hindi lahat ng tao ay nabiyayaan ng magandang pangangatawan at mabuting kalusugan kung kaya naman marami sa atin ang gumagawa ng mga paraan upang maging maayos at mabuti ang ating kalusugan kahit paano.




Ilan sa mga ginagawa nating pamamaraan ay ang regular na pag-eehersisyo, pagtulog at pamamahinga ng nasa wastong oras, pag-inom ng ilang mga bitamina, pag-iwas sa mga bisyo, at ang pagkain ng mga masusustansiyang pagkain. Wala nang higit na mas susustansiya pa sa sariwang prutas at gulay.


Marahil marami sa mga kabataan sa ngayon ay hindi nakikilala ang gulay na bulaklak ng kalabasa. Ngunit para sa maraming mga may-edad o nakatatanda ay talaga namang napakasustansiya nito. Madalas ay inilalagay o iniluluto ito bilang “bulanglang” o di kaya naman ay “dinengdeng”.



Talaga namang matatakam ka sa sarap nito kung natikman mo na ito noon pa man at kung alam mo ang mga sustansiyang makukuha mo dito. “Pumpkin flower” o “Squash Blossom” kung tawagin sa Ingles ang bulaklak ng kalabasa.

Ito ay mayroong mababang Saturated Fat at Sodium, mababa din ang Cholesterol nito. Hitik na hitik din ito sa “Dietary Fiber”, “Vitamin B6”, “Calcium”, “Phosphorus”, at “Potassium”. Bukod pa sa mga ito ay makakakuha ka rin ng “Vitamin A”, “Vitamin C”, “Folate”, “Iron”, “Magnesium” at “Copper” sa gulay na ito. Talaga namang napakarami pa lang sustansiyang makukuha sa bulaklak ng kalabasa.



Tiyak na mas gaganahan na tayong kumain ng mga masusustansiyang pagkain hindi ba?




error: Content is protected !!