“Hagis-piso” sa mga peryahan kapag fiesta nasubukan mo na rin bang tumaya?



Tayong mga Pilipino ay hindi magpapahuli kung kasiyahan lang naman ang pag-uusapan. Isa ito sa mga natatanging kaugaliang hinahangaan ng maraming mga dayuhan sa ating lahi.

Bukod sa pagiging masiyahin nating mga Pilipino kahit pa sa gitna ng matinding mga pagsubok ay hindi rin naman matatawarana ng pagiging palakaibigan natin at magiliw sa ating mga bisita. Hindi na rin nakapagtataka na madalas ay pinaghahandaan nating husto ang mga selebrasyon ng ating pamilya o di kaya naman ay mga nakasanayang pagdiriwang sa ating komunidad.



Isa na marahil sa mga ito ang panahon ng kapistahan na madalas nating ipinagdiriwang sa ating mga lugar. Ito ay isa sa mga selebrasyon ng mga Pilipino kung saan nagluluto ng maraming mga pagkain ang mga pamilya at binubuksan ang kanilang tahanan para sa mga bisita, madalas din ay mayroong mga parada sa kalsada.


Talaga namang napakasaya ng selebrasyong ito. Ngunit sa kasamaang-palad ay maraming mga komunidad ngayon sa bansa ang hindi na nakapagdiwang pa ng kanilang mga pista dahil sa kasalukuyang pinapairal pa rin ang “enhanced community quarantine” sa bansa.



Isa pa sa pinaka-inaabangan ng marami tuwing mayroong pista ay ang mga perya. Tila ba hindi kumpleto ang isang pista kung walang perya sa naturang lugar. Mapupukaw ka ng maraming mga magagandang laro sa perya. Mayroon ding mga kakaibang rides dito na talaga namang masusulit ng mga bata at ng mga “young at heart”.

Bukod sa mga rides na ito ay napakaganda rin namang subukan ang mga palaro dito na kung saan ay maaari kang manalo at makapag-uwi ng mga kasangkapan sa bahay, o di kaya naman ay premyong pera. Isa na marahil sa mga larong ito ang “hugis-piso”, bagamat hindi pa rin batid ng marami kung ano ang tunay na pagkakakilanlan ng larong ito ay pinangalan na lamang ito sa kung paano ito nilalaro.



Mayroong isang malaking board na hahagisan ng isang manlalaro ng kaniyang barya, kung saang bilog o kwadrado nakapasok ang inihagis na piso ay iyon na mismo ang maiuuwi ng manlalaro. Kung sakali naman na hindi ito nakapasok sa anumang hugis ay kukuhanin ng nagpapalaro ang inihagis na piso ng naturang manlalaro.




error: Content is protected !!