Naaalala n’yo pa ba ang sikat na burger stand noon na Burger Machine?



Tayong mga Pilipino ay talaga namang mahilig kumain ng masasarap na mga pagkain. Hindi na nakapagtataka na marami sa atin ang mahilig kumain sa mga sikat na fast food chains sa bansa.



Ang mga sikat na kainan o restaurants na ito ang madalas nating pinupuntahan lalo na kung tayo ay nalulungkot, stress o di kaya naman ay mayroong nakamit na tagumpay na dapat ipagdiwang. Ngunit kadalasan ay nagtutungo tayo rito dahil sa nais nating matikman muli ang mga masasarap na pagkain na nakasanayan nating kainin noon pa man.

Maliban sa mga sikat at mga kilalang fast-food chain noon ay patok na patok din naman ang mga burger stand na isa sa pinakasimple at pinakamurang mabibilhan ng mga paborito nating merienda tulad na lamang halimbawa ng mga hamburgers. Marahil marami sa atin ang naabutan ang burger stand na Burger Machine.




Isa ito sa mga burger stand na talaga namang sikat na sikat noong kalagitnaan ng dekada ’80 hanggang dekada ’90. Tinagurian din itong “the burger that never sleeps” dahil sa 24 oras itong bukas para sa mga customer nitong nagnanais makatikim ng kanilang mga produktong anumang oras man nila gustuhin.


Maaaring hindi gaanong mahal ang mga produkto nila ngunit talaga namang abot-kaya ng masa at masarap din kahit pa mayroon itong iba’t-ibang mga pagpipilian at sizes. Sa ngayon ay halos wala nang makitang Burger Machine stand sa ngayon marahil dahil sa napakarami na rin kasing nagsulputan na mga tindahan ng mga ganitong klase ng produkto.

Sa Facebook group na “We Are 90’s” ibinahagi ng netizen na si Joven Costacio ang mga larawang ito ng dating popular na burger stand. Ayon pa sa naturang netizen, kahit sa halagang P20 noon ay makakabili ka na ng “Big Jumbo Burger” ng Burger Machine.

Bukod pala sa mga burgers na kanilang tinitinda ay mayroon din silang mga tinitindang chili corn, dessert tulad na lang ng sans rival, coleslaw, at Carne sauce. Taong 1981 nang unang makilala ang burger stand na ito ngunit kahit pa madalang na itong makita sa ngayon ay hindi pa rin mawawala ang magagandang alaala na hindi natin malilimutan dahil sa burger stand na ito.




error: Content is protected !!