Coco Martin, suportado ang pagpalag ni Kim Chiu sa mga bashers nang magsalita ito laban sa pagpapasara ng ABS-CBN!



Maraming mga Pilipino ang talaga namang nalungkot nang ipasara ang kinalakihan nating istasyon sa telebisyon. Naging malaking bahagi na ng ating kabataan ang ABS-CBN at napakarami nang magagandang alaala ang ating naranasan dito.


Ngunit dahil na rin sa kontrobersiya patungkol sa kanilang franchise renewal ay wala nang nagawa pa ang isa sa pinakamalaking kompanya sa bansa kundi ang sumunod na lamang sa batas. Kasunod nito ay ang pagsasalita ng mga sikat na artista ng kanilang saloobin patungkol sa naturang isyu.




Isa na sa kanila si Coco Martin na talaga namang naging mainit at malaman ang mga naging pahayag sa kaniyang social media post. Hindi na napigilan pa ng aktor ang kaniyang sarili dahil sa napakaraming mga Pilipino rin ang apektado ng naturang pagpapasara sa ABS-CBN dahil sa higit 11,000 empleyado diumano ang nawalan ng trabaho sa gitna pa ng kinakaharap nating pagsubok dahil sa pandemyang COVID-19 na nananalanta ngayon sa maraming mga bansa sa buong mundo.

Kamakailan lamang ay muli na namang naging laman ng mga balita si Coco Martin dahil sa pagsuporta nito sa aktres na si Kim Chiu. Nagpahayag kasi ang aktres na hindi siya mananahimik lalo na sa sitwasyon nila sa ngayon.


Naging malaking bahagi ang naturang network sa tagumpay ni Kim mula noon na nagsisimula pa lamang siya kung kaya mas nanaisin niyang lumaban at hindi manahimik sa pagkakataon na ito. Ayon naman sa pahayag ni Coco, sinabihan nito si Kim na nasa likod lamang niya ang mga kapwa niya artista.


Dagdag pa ng aktor ay maaari na silang makipagbasagan ng mukha sa ngayon dahil sa wala na silang mga trabaho. Maraming mga netizens naman ang hindi natuwa dahil sa tahasang pagsasalita ng mga artistang ito laban sa ipinatupad na batas.


Ayon pa sa ilang mga netizens, ang mga artistang nawalan ng trabaho ay mas mapalad pa dahil mayayaman na sila ngunit ang tiyak na mas mahihirapan dito ay ang mga regular at hindi regular na empleyadong nawalan ng mapagkakakitaan kung kailan kailangang kailangan ng kanilang pamilya ang pangkain at pangsuporta na talaga namang napakasakit na katotohanan.

 






error: Content is protected !!