Isang 35-anyos na ginang nakipagrelasyon sa anak ng dati niyang mister na 20-anyos lamang ang edad!



Aakalain mong isang kwento sa pelikula ang istorya ng buhay pag-ibig ng isang ginang na ito. Ngunit tunay na nangyayari ito sa panahon natin ngayon. Kamakailan lamang ay naging usap-usapan ng marami ang ginang na si Marina Balmasheva ng Slavyansk-na-Kubani sa Krasnodar Krai, Russia matapos nitong aminin ang kaniya ngayong relasyon sa kaniyang “step son” matapos silang maghiwalay ng tatay nito.



Una nang nakilala si Marina dahil sa kaniyang “weight l0ss journey” ng ilang mga netizens. Talaga namang hinangaan ng publiko ang 35 taong gulang na ginang dahil sa mas nagmukha itong bata at mas gumanda kaysa sa dati nitong hitsura matapos pagsumikapan ang kaniyang pagpapapayat.

Ngunit ang naging kumpiyansa niya sa kaniyang sarili at ang bago niyang pangangatawan ay nagdulot ng hindi pagkakaunawaan at lamat sa pagsasama nila ng dati niyang mister na si Alexey Shavyrin. Labingtatlong taon na ang nakalilipas nang magpakasal ang dalawa.



Naging masaya at napakaganda ng kanilang pagsasama noong una, hindi pa nga nagdalawang-isip si Marina na ampunin ang limang mga anak ni Alexey sa una nitong asawa. Ngunit makalipas ang ilan taon ng kanilang pagsasama ay nauwi rin ito sa diborsyo.

At ito ay dahil pala sa relasyon ni Marina sa anak mismo ni Alexey na si Vladimir. Pitong taong gulang pa lamang noon ang binata ng una silang magkita ni Marina.


Si Marina na mismo ang nag-alaga at nagpalaki kay Vladimir nang halos ilang dekada. Ngunit hindi inaasahan ni Marina na bigla na lamang mawawala ang pagmamahal nito kay Alexey.

Nauwi man sa diborsyo ang kanilang pagsasama ay wala din naman pinagsisisihan si Marina dahil sa mas masaya siya sa piling ni Vladimir. Nagbahagi pa ng larawan si Marina kung saan makikita ang larawan nila ni Vladimir noong 7 taong gulang pa lamang ito habang siya ay 22 taong gulang na at ang kanilang larawan bilang magkasintahan sa edad na 35 taong gulang at 20 taong gulang naman ang binata.



Hindi man sila magkadugo, at nasa tamang edad na rin naman sila sa ngayon ngunit tila hindi pa rin ganoon katanggap ng publiko kung paano sila nagsimula nang kanilang pagmamahalan.




error: Content is protected !!