Karen Davila humingi ng paumanhin kay Sen. Manny Pacquiao dahil sa pagkwestyon nito sa kaniyang edukasyon noon!



Marami sa ating mga Pilipino ang talaga namang nakikinig at nanunuod ng mga balita patungkol sa kaganapan sa ating kapaligiran. Tila hindi na nawala sa ating kaugalian ang sumubaybay at maging alerto pagdating sa mga mahahalagang balita na nangyayari sa ngayon.


Kung kaya naman marami sa atin ang talagang nagtitiwala sa mga Pilipinong mamamahayag at mga tagapagbalita. Ngunit nito lamang nakaraang taon ay maaalalang naging kontrobersiyal ang panayam ni Karen Davila kay Senador Manny Pacquiao.



Nito lamang nakaraang Huwebes, Mayo 7, 2020 ay itinampok sa programa ni Karen na “Headstart” sa ANC ang muli nitong panayam sa senador patungkol sa pagpapasara ng ABS-CBN. Naging kasabay din naman nito ang personal na paghingi ng paumanhin ni Karen dahil sa naging pamamaraan nito ng pagtatanong kay Sen. Manny noong nakapanayam niya ito noong nakaraang taon.


Talaga namang umani ng napakaraming pagbatikos ang broadcaster. Ang naturang panayam noon ay naganap sa parehong programa ni Karen noong ika-20 ng Pebrero 2020.


Tinanong ni Karen ang Senador kung sang-ayon ba ito sa panukala na dapat ay “college degree holder” ang mga senador at presidente ng bansa. Agad namang sumagot ang senador at sinabing sang-ayon rin siya sa panukalang ito.

Hindi naman naging maganda ang dating sa publiko ng mga sumunod na pahayag ni Karen nang sinabi niyang: “Pero kung gano’n, baka hindi ka na mag-qualify.”


Matapos nito ay naging sunod-sunod rin ang mga tanong ni Karen kung anong degree, ano at saang eskwelahan pumapasok ang senador. Bagamat hindi naging maganda ang pagkakaunawa ng maraming mga Pilipino sa pahayag na ito ni Karen ay naging mapagpakumbaba naman ang senador nang humingi sa kaniya ng paumanhin sa Karen.

Ayon sa legendary boxer at kasalukuyang senador na si Manny ay hindi siya nagtanim ng sama ng loob kay Karen dahil sa ginawa nito noon. Ayaw din sana niyang ipaalam sa publiko na nag-aaral siya ng mga panahong iyon dahil baka akalain ng ilan na nagmamayabang siya.




Ngunit naging masaya din naman si Sen. Manny sa ginawang paghingi ng paumanhin ni Karen. Sampung buwan makalipas ang naging panayam na ito ni Karen kay Sen. Manny ay nakapagtapos siya ng Bachelor of Arts in Political Science-Local Government Administration sa Unibersidad ng Makati.

Pinahayag din naman ng senador ang kaniyang pagnanais na mabigyan pa ng pagkakataon ang ABS-CBN na maayos ang kanilang prangkisa at isa siya sa mga nagdarasal na mangyari ito sa tulong na rin ng National Telecommunications Commission.




error: Content is protected !!