Mga empleyado ng isang mall nakitang puro “amag” ang ilang mamahaling leather goods matapos ang 2 buwang lockdown!



Ang pandemyang COVID-19 ay talaga namang nakaapekto ng napakalaki sa maraming mga tao at negosyo sa maraming mga bansa sa buong mundo. Maraming mga negosyo ang talaga namang tinamaan dahil sa wala nang mga mamimili o mga customers na maaaring makalabas ng tahanan at makabili ng kanilang mga produkto o serbisyo.


Isang mall sa Malaysia ang talaga namang pinanghinayangan ng maraming mga netizens dahil sa bigla na lamang natagpuan ng mga empleyado ang ilang mga mamahaling “leather goods” na halos puro “amag” na! Ito ang naging resulta ng halos dalawang buwan na lockdown.




Tiyak na malulugi ang naturang tindahan dahil sa mahirap nang maisalba ang mga mamahaling items na ito. Isang Nex Nezeum mula sa Kota Kinabalu, Malaysia ang nagbahagi ng mga larawang ito mula sa isang mall.


Talaga namang nakakapanghinayang dahil sa matanggal man ng mga empleyado ang naturang mga “amag” ay tiyak na mayroon pa ring matitira na hindi pantay na kulay mula sa mga produktong ito. Ang isang bag dito ay nagkakahalaga na ng RM679 o halos US$157 o katumbas ng P7,900!



Ilan pang mga leather tulad ng mga bags, mga sapatos, mga wallet, at mga belts ang labis na nasira dahil sa napakaraming mga “amag” na tumubo sa mga ito. Ayon naman sa ilang mga netizens, mas mabuti sana kung naitabi nang maayos ng mga empleyado ang mga produktong ito bago pa man naipatupad ang Movement Control Order sa Malaysia.


Ngunit mayroon din namang ibang nagkomento na marahil ay hindi rin talaga nila inaasahan na tatagal ng halos dalawang buwan ang lockdown. Mayroon ding ilang mga netizens na nagsasabing nasira man ang mga leather goods na ito ay masisigurado pa rin naman ng mga mamimili na totoong leather nga ang kanilang nabili at hindi peke lalo na kung sa mall na ito sila makabibili ng mga produktong leather na ito.





error: Content is protected !!