Megastar Sharon Cuneta rumesbak sa netizen na nagsabing kinuha niya lahat ng donasyong kinita ng kaniyang concert!



Naging mainit na usap-usapan sa ngayon ang Megastar na si Sharon Cuneta matapos niyang ibahagi ang halaga na kaniyang kinita mula sa naging concert niya kamakailan lamang. Sa naging Instagram post ng sikat na singer ay nakita ng publiko na higit sa dalawang milyong piso ang inabot ng mga donasyong nalikom nila mula sa naturang konsiyerto.



Dahil sa post na ito ay hindi na napigilan pa ng isang netizen na magkomento na marahil ay sa bank account lamang ni Sharon mapupunta ang lahat ng pera na iyon. Agad namang dumipensa ang isa sa mga tagahanga ng singer at sinabing milyonarya na si Sharon at hindi na niya kailangan pa ang kinita ng kaniyang concert.




Ayon pa sa fan na ito ay nag-donate pa mismo ng 5 milyong piso ang singer mula sa kaniyang sariling bulsa. Hindi naman na napigilan ang Megastar at agad din nitong sinagot ang hindi magandang komento ng isang netizen patungkol sa kaniyang post.



Binigyang-diin ng award-winning actress at singer na bilyonarya na siya kahit noon pang nasa 30s pa lamang siya. Nalulungkot lamang siya dahil mayroong mga taong minamasama ang pagtulong ng mga artista sa kanilang kapwa lalo na sa panahon ngayon.



Naniniwala din naman si Sharon na ang kaniyang mga ginagawang tulong ay hindi na dapat isapubliko pa at tanging Diyos na lamang ang dapat makaalam. Ipinabatid din ni Sharon sa mga taong nambabatikos sa kaniya na hindi lamang 5 milyon ang kaniyang nai-donate na kundi higit pa, sadyang hindi lamang niya gustong ipagsigawan ito sa publiko kung kaya naman marami ang hindi nakakaalam.



Para sa kaalaman ng publiko, ang 54 taong gulang na aktres, host, singer at entrepreneur na si Sharon Gamboa Cuneta-Pangilinan ay isa sa pinakasikat na artista noon pa man. Isa rin siya sa “highest-paid” at pinakamatagumpay na persolinadad sa bansa.



Mayroon na siyang nagawa na 53 na mga pelikula, 10 mga television shows, at nakapag-record na rin siya ng 40 na mga albums. Ayon sa ilang mga ulat ay mayroon na siyang estimated net worth na $10 million o katumbas ng P503,655,000 mula noong nakaraang taon.




error: Content is protected !!