Robin Padilla nagsalita na patungkol sa paghihinanakit ni BB Gandanghari sa kanilang pamilya!



Isa sa mga pinakahinangaan na angkan sa industriya ng show business ang angkan ng mga Padilla. Kilala sila sa industriya bilang mga respetadong propesyonal at talaga namang mayroong nakakabilib na talento at pagmamahal sa kanilang napiling larangan.



Ilan sa mga kilalang miyembro ng kilala at maimpluwensiyang angkan na ito ay ang magkakapatid na Robin, Rommel at Rustom Padilla na mga sikat na aktor ng kanilang henerasyon. Sa ngayon ay kinikilala na bilang si BB Gandanghari ang dating aktor na si Rustom Padilla.


Bahagi din ng Padilla Clan sina Kylie Queenie, Bella, Daniel Padilla at marami pang iba. Kamakailan lamang ay naging mainit na usap-usapan sa social media ang naging hinanakit o pagtatampo ni BB Gandanghari sa kaniyang pamilya dito sa Pilipinas dahil sa hindi man lamang siya kinumusta ng mga ito kahit man lang isang text message o tawag matapos na kumalat ang bali-balitang diumano ay pumanaw na si BB.


Ayon pa sa ilang mga vlogs ng huli ay hindi ito makatulog sa kaniyang apartment dahil sa nangyari. Nalulungkot at nagdaramdam ito dahil sa umaasa siyang kahit papaano ay nag-aalala pa rin sa kaniya ang kaniyang pamilya kahit sa ibang bansa na siya ngayon naninirahan nang mag-isa.


Makalipas ang ilang mga buwan ay nagsalita na ang kaniyang kapatid na si Robin patungkol sa naturang isyu. Ayon sa aktor ay sadyang napakarami lang talagang nangyari sa kanilang pamilya buhat ng pumasok ang taong 2020 kung kaya naman hindi na dapat pang magtampo si BB.



Ayon sa report ng PEP ay isang buwan palang nasa ospital ang si Robin dahil sa back injÜry nito. Matapos nito ay naaksidente naman ang kanilang ina na si Eva Cariño na halos dalawang buwan ring nakaratay sa higaan.

Ayon pa kay Robin, sa mga panahon na ito ay mas dapat manaig ang pagkakaunawaan sa isa’t-isa. Hindi na rin dapat nagbabatuhan ng bato sa isa’t-isa bagkus ay mas nararapat pang magnilay-nilay muna.

Nagpahayag din naman ng isang talinghaga si Robin na balang araw ay masisilayan rin natin ang bahaghari pagkalipas ng matinding unos na ito.






error: Content is protected !!