Alden Richards at isang sikat na streamer, nagkakamabutihan na nga ba?



Marahil hanggang sa ngayon ay marami pa rin ang labis na kinikilig sa tambalang AlDub na binubuo ng Kapuso actor na si Alden Richards at ng EB Dabarkads host na si Maine Mendoza. Tunay nga na isa sila sa phenomenal couple sa industriya ng show business. Maaalalang una silang napanuod sa Kalyeserye segment ng “Juan For All, All for Juan” sa GMA afternoon variety show na Eat Bulaga!


Hindi dito nagtapos ang kanilang pagsasamahan dahil sa marami pa silang pinagsamahang pelikula, television shows at concerts. Bukod pa ang mga commercial ads at endorsements ng dalawa.




Sobrang naging matagumpay ang kanilang loveteam na talagang kinakiligan ng maraming mga Pilipino. Ngunit isang araw ay nagdesisyon si Maine na maging totoo sa kaniyang sarili dahil na rin sa labis na pagnanais ng kanilang mga fans na magkatuluyan silang dalawa sa tunay na buhay.


Nagtapos man ang kanilang tambalan ay nananatili pa rin sila bilang magkaibigan hanggang sa ngayon. Si Maine ay kasalukuyang karelasyon ang isa ding mahusay na aktor na si Arjo Atayde na anak ng beteranang aktres na si Sylvia Sanchez.



Habang si Alden naman ay nalilink ngayon sa isang sikat na gir gamer na si “Biancake” o si Bianca Yao. Una nang naging usap-usapan ang dalawa dahil sa masugid na pagsuporta ng Kapuso actor at host sa mga stream ng dalaga na agad namang pumukaw sa atensyon ng huli at kalaunan ay nagpakilig na sa kaniyang mga tagasubaybay.

Talaga namang tila nauulit muli ang kilig at sayang naidulot sa atin ng AlDub love team noon sa namumuong magandang pagkakaibigan nina Alden at Bianca. Sa ngayon ay puro sweet messages lamang ang nagiging palitan ng dalawa sa social media ngunit hindi rin naman natin masasabi kung hanggang saan ang patutunguhan ng kanilang naging pagkakaibigan lalo na at pareho namang “single” ang dalawa.



Mabibigyan kaya sila ng pagkakataon na maging higit pa sa magkaibigan ang kanilang pagtuturingan?




error: Content is protected !!