Nakatulog ka na rin ba sa dyip o naisandal ang iyong ulo sa iyong katabi?



Ang pagsakay sa isang pampasaherong dyip ang isa sa pinaka-popular na transportasyon sa ating bansa kahit noon pa man. Hindi lamang kasi mabilis ang magiging pagbiyahe mo rito kundi talaga namang mas makakatipid ka pa kumpara sa ibang mga pampasaherong sasakyan dahil sa mura lang ang pamasahe rito.


Bilang mga Pilipino na naging natural nang gawain ang pagsakay sa mga sasakyang ito, tiyak na hindi na mabilang ang mga nakakatuwa at minsan ay nakakahiyang karanasan natin dito. Talaga namang mapapahalakhak ka na lamang kapag naranasan naalala mo a ng mga ito.



Ilan sa mga hindi mo makakalimutang alaala sa dyip ay ang pagpapaabot ng iyong bayad, madalas ay ikaw ang nakikisuyo na mag-abot nito habang minsan naman ay na talaga ang taga-abot. Mayroon pa ngang ilan sa atin na ayaw na ayaw umupo sa likurang bahagi ng driver dahil tiyak na hanggang sa makababa ka ay puro bayad na lamang ng pasahero ang iyong pagkakaabalahang iaabot sa driver pati na ang kanilang mga sukli.


Isa pa sa mga bagay na talagang hindi natin makakalimutan sa pagsakay natin sa dyip ay ang pagdalaw sa atin ng matinding antok kahit pa nga tirik na tirik ang araw at napakainit ay talaga namang magugulat ka na lamang dahil mayroong isang pasaherong bigla na lamang makakasandal sa iyong balikat o di kaya naman ay sa balikat ng iyong katabing pasahero dahil sa sobrang pagod at puyat. Kamakailan lamang ay kinagiliwan nga sa social media ang nakakatuwang larawan na ito ng isang driver at ng kaniyang pasahero sa harapang bahagi ng kaniyang minamanehong dyip.



Tila ikinagulat kasi ng driver ng dyip ang naging pagsandal ng lalaking pasahero sa kaniyang balikat kung kaya naman agad niya itong tinanggal at inalis sa pagkakasandal sa kaniya. Maraming mga natawa at marami din naman sa mga netizens ang talagang naka-relate dito. Tunay nga na kung sobrang puyat at pagod na ang iyong mararamdaman ay hindi mo na alintana kung kaninong balikat ka talaga masasandal.





error: Content is protected !!