Aakalain mong si Spiderman ang batang ito na talaga namang nakapostura pa sa kaniyang crib!



Masarap sa pakiramdam ang magkaroon ng isang supling lalo na para sa mga mag-asawang unang beses pa lamang mararanasan magkaroon ng anak. Bagamat hindi biro ang pag-aalaga at pagpapalaki sa mga bata ay talaga namang hindi mo pa rin ito ipagpapalit sa kahit anong materyal na bagay sa mundo.


Hindi matatawaran ng kahit gaano kalaking halaga ng salapi ang kaligayahan na iyong mararamdaman sa oras na malaman mong ikaw ay magiging isa nang ama o ina. Ngunit hindi lamang puro kaligayahan ang mga magiging karanasan mo sa pagpapalaki ng iyong mga anak.



Sari-saring emosyon o “rollercoaster ride” kung ilarawan ng marami ang pagkakaroon ng isang supling lalo na kapag natutunan na nilang maglakad, tumakbo, o gumapang. Kamakailan lamang ay nagdulot ng labis na kasiyahan at kaba ang batang ito mula sa post ng isang netizen na nakilala bilang si Jexell.

Ang bata kasing nasa larawan ay tila ginagaya ang isang sikat na karakter na hinahangaan din ng marami, si Spiderman. Ngunit talagang kakabahan ka kapag nakita mo ang batang ito dahil sa taas na bahagi lang naman ng “kuna” o “crib” niya siya tila nagbabalanse.



Marami ang talaga namang napanganga sa larawang ito dahil sa labis na pagkamangka ngunit mayroon din namang iilan na labis na nag-aalala sa kaligtasan ng batang paslit. Isang maling galaw lang kasi ay tiyak na malalaglag o masasaktan ito.

Kung kaya naman para sa mga magulang o tagapagbantay ng mga bata na medyo abala sa maraming mga bagay, marahil ay mas mabuting maging mapagmatiyag tayo lalo na sa mga panahong ito dahil hindi natin alam kung kailan darating ang disgrasya sa mga munting anghel na ating binabantayan.


Sabi nga ng ilang mga magulang, mabuti na ang medyo “praning” tayo at palaging nagpapakasigurado kaysa naman dumating ang panahon na wala tayong magawa kundi sisihin ang ating sarili dahil sa hindi magandang nangyari sa ating mga anak o inaalagaang bata.




error: Content is protected !!