Isang ina nakakita ng isang “ghost baby” na natutulog katabi ang kaniyang anak sa baby monitor nila!



Sa araw-araw nating buhay ay marami na tayong nararamdaman at nararanasan na mga kababalaghan. Talaga namang marami sa mga ito ang nakakapagpatayo ng ating balahibo tulad na lamang halimbawa ng naging karanasan ng isang pamilyang ito.

Karamihan kasi sa mga taong nakatira sa Amerika ay talagang hindi natutulog katabi ang kanilang mga anak kahit na sanggol pa lamang ang mga ito. Nais talaga nilang maturuan kaagad ang kanilang mga anak na maging “independent” kahit sa napakamurang edad pa lamang.

Ang mag-asawang Dean Evans (42) at si Laura Haigh (39) ay nakatira sa Plymouth, Devon kasama ang anak nilang si Sebastian. Dahil sa lumalaki na rin ang anak nila at natuto nang umakyat sa kaniyang crib o kuna ay naisipan nang mag-asawa na maglagay na ng baby monitor dito.

Ito ay para makita nilang ligtas ang kanilang anak nasaang bahagi man sila ng kanilang bahay. Isang gabi habang mahimbing ang tulog ng kanilang anak ay sinilip ni Laura ang kanilang baby monitor. Laking gulat niya dahil tila mayroong kakaibang imahe ang makikita sa video.


Noong una ay teddy bear o manika lamang ang pagkakaakala niya rito. Ngunit hindi lubos akalain ni Laura na bigla na lamang itong gagalaw!

Napasigaw siya at kaagad itong sinabi sa kaniyang asawa. Agad namang tinakbo ni Dean ang kwarto ng kanilang anak dahil inakala nitong may maliit na hayop na nakapasok sa kwarto ni Sebastian.

Ngunit nang makapasok na ito sa kaniyang kwarto ay wala naman itong nakita na kahit ano. Habang si Laura naman ay labis na kinilabutan sa sumunod na nangyari dahil sa gumalaw talaga ang tila multong sanggol na nakita niya sa video.

Sinubukan din ni Laura na ipakita sa kaniyang kapatid, sa pamamagitan ng Skype ang video sa kwarto ni Sebastian ngunit wala namang nakitang kakaiba ang kaniyang kapatid. Ibinunyag din ng mag-asawa na noon pa man ay nakakaramdam na sila ng kakaiba sa bahay na ito na tila ba ito ay “haunted”.




error: Content is protected !!