Mga magagarang sasakyan at magagarbong mansyon ni Francis Leo Marcos, hindi pala sa kaniya ayon sa NBI!



Hanggang sa ngayon ay marami pa ring mga mahihirap na Pilipino ang patuloy na nagsusumikap sa buhay sa kabila ng maraming mga pagsubok na ating kinakaharap sa araw-araw. Hindi madali ang mga hirap na ating dinaranas ngunit hindi pa rin tayo nawawalan ng pag-asa at patuloy pa rin tayong lumalaban sa buhay.



Kung kaya naman napakalaking bagay talaga ang pagtulong ng mga taong mayroong kakayahang tumulong sa iba. Dahil sa kanila ay mas nagkakaroon pa ng pag-asang lumaban ang mga kababayan nating nahihirapan sa buhay.


Halimbawa na lamang ay ang pagtulong ni Francis Leo Marcos sa maraming mga kapus-palad na Pilipino lalo nang dumaan ang ilang mga sakuna at maging ang paglaganap ng pandemya sa ating bansa. Nakilala siya sa social media dahil sa paghihikayat nito sa mga kapwa niya mayaman na magbigay din ng kaunti nilang yaman sa mga taong walang-wala sa buhay.

Ngunit kamakailan lamang ay ikinagulat ng publiko ang ginawang pagdakip sa kaniya ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil diumano sa paglabag nito sa Optimetry Law. Ayon sa ilang mga usap-usap sa social media ay namigay siya ng mga salamin sa publiko kahit pa wala itong lisensya upang magpamahagi ng mga ito.


Ayon naman sa ilang mga ulat ay nakapanayam ni Erwin Tulfo si Vic Lorenzo na hepe ng NBI Cybercrime Division. Ayon sa hepe ay mayroon pa lang dalawang mga pasaporte na mayroong pangalang Norman Mangusin at Francis Leo Marcos.



Dahil dito ay nadagdagan pa ang kasong isasampa sa kaniya dahil sa paglabag niya sa Passport Law. Isiniwalat din sa naturang panayam na hindi makapaglabas ng business permit si Marcos sa mga negosyong pagmamay-ari nito.

Tinanong din sa hepe ang tungkol sa magagarang mansyon at mamahaling mga sasakyan nito na makikita sa kaniyang mga vlogs. Ang bahay sa Green Medows, sa Quezon City, at ang mga magagarang sasakyan ay hindi pagmamay-ari ni Marcos ayon sa NBI.






error: Content is protected !!