Teenage photo ng pinakamatandang Mambabatok na si Apo Whang-Od, viral ngayon sa social media!



Marahil ay marami nang mga Pilipino sa ngayon ang nakakakilala kay Maria Oggay o si Apo Whang-Od na kinilala bilang pinakamatandang Mambabatok sa Pilipinas. Siya ay 103 taong gulang na at naninirahan sa bulubunduking lugar ng Buscalan, Tinglayan, Kalinga.



Sa kabila ng kaniyang katandaan ay sadyang napakagaling pa rin ng kaniyang mga kamay at mga mata upang makalikha ng mga nakakamanghang tattoo. Ang gamit gamit niya sa kaniyang pambabatok o pagtatattoo ay pinaghalong uling at tubig, at tinik o sait ng punong kalamansi o suha.




Talaga namang nakilala ng maraming mga turista si Apo Whang-Od dahil sa pambihirang talento nito. Naging malaking tulong rin naman sa kanilang komunidad at sa turismo ng kanilang probinsiya ang naging katanyagan ng huli at pinakamatandang mambabatok sa bansa.




Marami ding mga dayuhang turista ang dumarayo at nagpapagawa ng tattoo sa kaniya. Siya ay ginawaran din naman ng prestihiyosong pagkilala, ang Gawad Manlilikha ng Bayan noong 2017 at Dangal ng Haraya Award noong 2018.



Kamakailan lamang ay pumukaw sa atensyon ng publiko ang diumano ay teenage photo ni Apo Whang-Od. Talaga namang marami ang namangha at nagandahan sa kaniya noong kaniyang kabataan.



Ang viral na larawang ito ay ibinahagi ng isang netizen na nakilala bilang si John Kiven Ortiz. Bagamat wala pang kumpirmasyon kung totoo nga na si Apo Whang-Od ang dalaga sa larawan ay patuloy pa rin itong nagdulot ng kaligayahan para sa maraming mga Pilipino.

Tunay nga na noon pa man ay nakakamangha na talaga ang angking kagandahan ng mga Pilipina. Lalo na kung makikita mo rin ang napakagandang ngiti mula sa kanilang mga labi. Si Apo Whang-Od ay isa sa mga tao na nagpapaalala sa atin ng makulay nating kasaysayan bilang mga Pilipino.

Kung kaya naman sa paglipas ng panahon ay marami pa rin ang nagdarasal na hindi sana tuluyang mawala ang kultura at tradisyong nakasanayan natin noon pa man.






error: Content is protected !!