Matteo Guidicelli inalala ang pagbisita noon ni Sarah Geronimo noong siya ay nasa training camp pa!



Si Gianmatteo Vittorio Fernan Guidicelli o mas nakilala ng publiko bilang si Matteo Guidicelli ay isang sikat na Filipino-Italian actor, model, singer at isang dating kart racer. Siya ay 30 taong gulang na. Siya ay aktibo rin sa Philippine Army bilang 2nd Lieutenant ng Armed Forces of the Philippines.



Maaalala na noong Nobyembre 2019 ay na-engage sila ng kaniyang longtime celebrity girlfriend na si Sarah Geronimo. Nagkaroon sila ng isang simple at pribadong kasalan sa Victory Church sa The Fort noong Pebrero 20, 2020.



Talaga namang naging mainit na usap-usapan ng publiko ang kanilang naging pag-iisang dibdib. Naging laman ito ng mga pahayagan at naging laman din ng mga balita sa social media. Bagamat hindi naging madali para sa kanila ang kanilang mga pinagdaanan ay talaga namang naging matatag silang dalawa. At sa ngayon nga ay halos tatlong buwan na rin ang nakararaan mula nang naging mag-asawa sila.


Nakakatuwang malaman na lalong mas tumatamis ang kanilang pagtitinginan at pagmamahalan sa isa’t-isa. Kamakailan lamang ay binalikan ni Matteo ang naging pagbisita ni Sarah sa kanilang kampo noong siya ay nagsasanay pa bilang isang Scout Ranger.



Ayon sa pahayag ng aktor, tandang-tanda pa niya ang araw nang pagdalaw ng kaniyang pamilya at nobyang si Sarah sa kanilang “tent area”. Hindi napigilan ni Sarah na sabihan si Matteo na iuuwi na niya ito.



Pinakita din ni Matteo kay Sarah kung anong klaseng “Jacuzzi” mayroon sila sa kampo. Maraming mga netizens ang talaga namang kinilig at napa-sana all sa celebrity couple na ito na bagamat maraming naging hadlang ay patuloy pa ring ipinaglaban ang kanilang pagmamahalan.

Marami din sa kanila ang nananabik nang makita ang mga munting supling na ipagkakaloob ng Diyos sa kanila. Patunay lamang ito na kung magkakaroon ka ng malapit at matatag na pananampalataya sa Diyos at sasabayan mo rin ng panalangin ang iyong pinakamimithi ay tiyak na darating at darating din ang takdang panahon upang makamit mo ito.



error: Content is protected !!