Zsa Zsa Padilla, ipinasilip ang kaniyang “dirty kitchen” na umani ng sari-saring komento mula sa publiko!



Si Esperanza Padilla o mas kilala ng marami bilang si Zsa Zsa Padilla ay 56 na taong gulang na singer at aktres. Bukod sa kaniyang mahusay na pag-awit ay hinangaan din siya ng publiko sa kaniyang pagganap bilang si Helena Montoya/Red Dragon sa hit 2017 TV series na “Wildflower”.


Kamakailan lamang ay naging usap-usapan siya sa social media matapos niyang mag-post ng kaniyang larawan sa kanilang “dirty kitchen”. Sa naturang larawan ay mayroon siyang hawak na pakwan at ayon pa sa caption niya ay talagang masaya siya dahil sa panahon na ngayon ng pakwan na tiyak na makakatulong sa maraming mga Pilipino dahil sa napakainit na panahon.




Ngunit sa halip na umani ni magagandang mga komento ay maraming mga netizen ang nakapansin nang magulo at makalat niyang “dirty kitchen”. Ayon sa ilang mga komento ng mga netizens ay napaka-unorganized naman daw ng beteranang singer dahil maging ang kaniyang dyer at washing machine ay nasa kusina.


Nagpahayag din naman ng sarili niyang komento si Zsa Zsa kung saan sinabi niyang hindi naman perpekto ang kaniyang “dirty kitchen” na marahil ay ganoon din naman sa iba. Ngunit kinabukasan ay nagbahagi muli si Zsa Zsa ng mga larawan at video ng kaniyang bagong linis at organisadong “dirty kitchen”.


Talaga namang mas malinis na ito at mas maayos kumpara sa nauna niyang mga posts noon. Marami namang mga netizens ang natuwa dahil sa naging sport ang singer at siniguradong maiaayos naman ang parteng ito ng kaniyang bahay.


Tunay nga na maraming mga tao ang sadyang mapanghusga lamang lalo na sa panahon natin ngayon. Ngunit kahit papaano ay mayroon pa rin palang mga tao na marami mang negatibong pahayag ang natatanggap mula sa iba ay nagagawa pa rin nilang maiayos ang mga nararapat ayusin para na rin sa kanilang ikabubuti tulad na lamang nang nangyaring ito kay Zsa Zsa.





error: Content is protected !!