VIRAL NGAYON: Improvised na inidoro kinagigiliwan ngayon sa social media!



Marahil ay isang simpleng bagay lamang sa atin ang pagkakaroon ng isang maayos at malinis na palikuran. Ngunit para sa marami nating mga kababayan na naninirahan sa mga bundok at iba pang liblib na lugar ay hindi maipagkakaila na isang napakalaking bagay na sa pang-araw-araw nilang pamumuhay ang pagkakaroon ng maayos at komportableng palikuran.



Kamakailang lamang ay naging usap-usapan sa social media ang kakaibang palikuran na ito kung saan mapapansin mo na ang inidoro dito ay talaga namang mayroon pang “monoblock chair”. Kahit pa nakasemento naman ang mismong inidoro ay marami pa ring mga netizens ang tila hindi kakayaning gumamit nito.


Mayroong ilang mga netizens na nagkomento na isang napakagandang ideya sana nito ngunit tila maduduwal ka na muna bago ka pa madumi. Ayon pa sa ibang mga netizens, nakasanayan na ng ating mga ninuno noon na dumumi na lamang kung saan-saan kung kaya naman malaking bagay na rin ang kahit papano ay mayroong ganitong klase ng palikuran.


Nagbiro pa nga ang ilan na sa kanilang lugar o sa kanilang probinsiya ay mas malawak ang kanilang palikuran dahil sa malalawak na lupain, bukirin, kakahuyan, talahiban, at sa iba pang madadawag na lugar. Sa ngayon, nakasanayan na nating gumamit ng mga inidorong marmol at porselana ngunit paminsan-minsan ay mayroon pa rin namang mga taong gumagamit ng arinola lalo na sa mga taong ayaw nang lumabas pa ng kanilang mga kwarto sa kalagitnaan ng gabi kung sila ay naiihi.


Talaga namang napakarami na ng naging pagbabago sa atin buhay ng modernisasyon. Marami sa mga ito ang tunay na nakakatulong at nagdudulot ng magandang benepisyo sa marami sa atin.



Kung kaya naman kahit na maliliit na bagay lamang ay magpasalamat na tayo dahil sa mayroon pa ring ilang mga tao sa ngayon na naisin man nilang magkaroon ng maayos at komportableng palikuran ngunit hindi talaga kaya ng kanilang pamilya at maging ng kanilang komunidad.




error: Content is protected !!