Maria Ozawa, hindi akalain na makakayanan ang long distance relationship sa nobyong si Jose Sarasola!



Sino nga ba ang hindi nakakakilala kay Maria Ozawa? Siya ay 34 na taong gulang na Japanese actress at model.



Isa siya sa pinakahinahangaang babae ng maraming mga kalalakihan lalo na dito sa Pilipinas. Maaalalang dumating sa ating bansa si Maria noong taong 2015. Pinagbidahan niya ang 2015 Metro Manila Film Festival entry na pinamagtang “Nilalang” kung saan nakapareho niya ang aktor na si Cesar Montano.


Mula noon ay dito na namalagi si Maria sa Pilipinas kung saan siya nakapagtayo ng dalawa niyang negosyo na “lounge”. Sinong mag-aakala na isa rin palang Pilipino ang kaniyang magiging nobyo?

Siya ay walang iba kundi ang gwapo at matipunong chef na si Jose Sarasola, 33 taong gulang. Ang dalawa ay nagkakilala sa bar ni Jose na matatagpuan sa BF Parañaque.


Dahil mayroon silang “common friend” ay hindi naman naging imposibleng magkakilala at magkalapit ang dalawa. Naging magkaibigan sila hanggang sa napagdesisyunan nilang maging higit pa rito. Mayo 2017 nang kumpirmahin nila sa publiko ang kanilang relasyon.



Sa ngayon ay LDR o long distance relationship ang magkasintahan dahil sa nasa Pinas si Jose habang nagbalik naman sa Japan si Maria upang makasama ang kaniyang mga mahal sa buhay na naninirahan doon. Ayon sa ilang mga ulat, hindi talaga akalain ni Maria na makakayanan niya ang set-up nilang ito ngayon dahil sa talaga namang nakakalungkot ito.


Ngunit talaga namang kinakaya nilang dalawa ang lahat upang pagkatapos ng lahat ng pagsubok na ito na ating kinakaharap sa ngayon ay muli silang magkikita at magsasama. Napatunayan din naman ng magkasintahan na ang komunikasyon ang isa sa mga bagay na talagang makakatulong upang maging maayos at mapanatili ang relasyon ng dalawang taong nagmamahalan.

Sa ngayon ay wala pang balak na lumagay sa tahimik ang dalawa ngunit darating at darating din sila doon sa tamang panahon. Sa ngayon ay gusto pa rin ni Maria na magtrabaho, lumabas at kumita ng sarili niyang pera.



Dagdag pa niya marahil ay sampung taon mula ngayon ay handa na siyang magkaroon ng sarili niyang pamilya.




error: Content is protected !!