Throwback photo ni Angel Aquino noong 1993 sa UP-Baguio, labis na hinangaan ng maraming netizens!



Si Angelita Velasquez Aquino o mas sumikat bilang si Angel Aquino ay 47 taong gulang na aktres na labis na hinahangaan ng publiko dahil sa kaniyang angking kagandahan at pambihirang talento sa pag-arte. Una siyang nakilala bilang TV host ng “F!”, isa sa “longest running lifestyle show“ ng ABS-CBN noong 1999 matapos nito ay naging host din siya ng “US Girls“ taong 2006.


Siya ay gumanap bilang si “Ether” sa programang Encantadia: Pag-ibig Hanggang Wakas taong 2006. Vera Cruz sa “Magkaribal” noong taong 2010, at Adrianna Lamayre sa “Apoy Sa Dagat” taong 2013. Kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa social media si Angel dahil sa nakakamanghang larawan nito.



Kuha ang viral na larawan ng aktres noong taong 1993 nang siya ay nag-aaral pa sa UP-Baguio. Talaga namang kinagulat ng publiko ang tila hindi nagbabagong kagandahan ng aktres kahit pa 20-anyos pa lamang siya noon sa naturang larawan.


Si Angel ay nakapagtapos ng BA Mass Communications Major in Journalism. Napansin din ng marami ang simple ngunit makahulugang motto ni Angel noon na “Be Yourself”.


Aktibo rin siya noon sa iba’t-ibang organisasyon sa kanilang unibersidad tulad na lamang halimbawa ng “League of Filipino Students (LFS) at “Alliance of Concerned Students”. Una nang nasilayan ng mga netizens ang viral photo ni Angel sa Facebook page na CinemaBravo.

Umani ng higit sa 12,000 na mga reaksyon, 200 na mga komento at 500 na mga shares ang larawan na ito ni Angel. Para sa mga taong nabigyan na ng pagkakataon na makita si Angel bilang isang artista ay wala silang ibang masabi tungkol dito kundi talaga namang napakabait at napakapropesyonal.



Lagi din daw itong nakangiti sa kaniyang mga fans. Bukod sa hindi tumatandang kagandahan ay talaga namang napakabalingkinitan din ng kaniyang katawan. Sinong mag-aakala na nasa edad nang kwarenta ang aktres na ito? Sadyang napakapalad niya dahil sa nabiyayaan siya ng ganitong klaseng kagandahan.




error: Content is protected !!