Nakakakilabot na larawan ng isang bata na diumano’y kasama ang kaniyang “kalaro”, nagdulot ng takot sa marami!



Ang mga bata ay kadalasang nagtataglay ng malawak na imahinasyon ayon sa mga nakatatanda. Diumano ay mayroon silang mga “imaginary friend” na kalaunan ay mawawala din naman pagtungtong nila ng tamang edad.


Sadyang parte lamang talaga ng kanilang kabataan ang pagkakaroon ng mga kaibigan o kalarong ito. Ngunit ito nga kaya ay produkto lamang ng kanilang mga imahinasyon o isang bagay na dapat na nating ikabahala bilang mga magulang?



Isang netizen na nakilala bilang si Tapiko Takupe ang nagbahagi ng ilang mga larawan na kuha sa isang playground ng McDonald’s sa hindi pa nakikilalang lugar. Ang naturang larawan ay kuha bago pa man mangyari ang pandemya sa iba’t-ibang bansa sa mundo.


Sa naturang larawan ay makikita ang kaniyang anak na babaeng naglalaro sa isang malaking padulasan. Natural na lamang sa mga magulang na kuhanan ng larawan ang kanilang anak lalo na sa mga panahong masayang masaya ang mga ito.


Ngunit ang dapat sana ay “solo picture” ng kaniyang anak ay tila mayroong isa pang imaheng sumama o nakasama sa larawan. Inakala pa ng ina na noong una ay “pareidolia” lamang ito ang isang “trick” ng liwanag kung saan makikita ang imahe o mukha ng tao sa mga bagay.


Pabiro namang tinanong ng kanilang mga kamag-anak ang bata kung sino nga ba talaga ang nasa larawan, agad naman niyang sinabing “Beto” ang pangalan ng kaniyang kalaro. Ngunit kung sinasabing bahagi lamang ng imahinasyon ng mga bata ang kanilang mga kaibigan o kalaro, paano kayang nangyari na nakuhanan pa ito ng larawan?


Marami din namang mga netizens ang hindi napigilang matakot, o kilabutan sa naturang larawan. Ang ilan sa kanila ay nagbahagi rin ng kanilang mga naging karanasan noong sila ay mga bata pa ay mayroon ding mga “kalaro”.

Kung mayroong mga naniniwala sa naturang larawan, mayroon din namang mga tao na hindi pa rin naniniwala sa ngayon. Ngunit kahit ano pa man ang ating mga pinaniniwalaan, may kaniya-kaniya pa rin talaga tayong karanasan patungkol sa maraming mga bagay o kababalaghan na nangyayari sa ating paligid sa araw-araw.






error: Content is protected !!