Isang batang lalaki, araw-araw naglalako ng ice cream upang mayroong pambili ng gamit para sa may sakit na ina!



Noon pa man ay marami na talaga sa atin ang namulat sa hirap ng buhay. Maliit ang sweldo ng atingmga magulang kung kaya naman talagang sobrang tipid ang pagkain natin sa araw-araw.

Kung minsan ay isanglutong ulam na mabibili sa karinderya at hihingi na lamang ng kaunting sabaw upang mapagkasya ito sa buong pamilya. Di kaya naman ay maaaring bumili ng ilang pirasong tsitsirya na maaari nang ulam para sa buong pamilya.

Toyo, mantika, asin, asukal, at kape ay maaari na ring lamang tiyan kasabay ng kaunting bahaw. Mahirap man ang buhay noon ay natuto naman tayong magtiis at mangarap na balang-araw ay makakaahon din tayo sa matinding kahirapan.

Hanggang ngayon naman ay marami pa rin tayong dinaranas na problema at pagsubok sa buhay ngunit sinisikap pa rin nating magigingmatatag at makaraos sa kabila nito. Kamakailan lamang ay kumurot sa puso ng publiko ang kwento ng isang batang lalaki na ito na araw-araw nagtitinda ng ice candy sa lansangan.

Ayon sa netizen na si Rempillo Nhel, napansin niya ang isang batang lalaki na pasilip-silip sa kaniyang paninda. Nang mapansin niyang tila pagod at gutom na ito ay nagpasya siyang pakainin ang bata sa kaniyang bulalohan.

Nahihiya pa noong una at talagang tumatanggi pa ang bata ngunit kalaunan ay napapayag niya din itong kumain na. Nang tanungin niya ang bata tungkol sa kaniyang pagtitinda, naibahagi nito sa kaniya na naglalako siya ng ice cream dahil kailangan niyang kumita ng pera pambili ng gamot ng kaniyang inang may sakit.

Wala na kasi itong ibang inaasahan kundi siya na lamang. Nagpaalam si Rempillo kung maaari niyang kuhanan ng larawan ang bata at pumayag naman ito.

Ipopost niya daw ito sa social media at baka mayroong mabuting taong tumulong sa kaniya. Sa ngayon ay burado na ang naturang post ngunit marami pa rin ang umaasa na sana ay mayroon nang nakatulong sa batang ito upang kahit papaano ay makabawas sa kaniyang alalahanin sa buhay.




error: Content is protected !!